^

PSN Showbiz

Toni napuno ang araneta, bultu-bultong tickets pinamigay ng mga kaibigan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Toni napuno ang araneta, bultu-bultong tickets pinamigay ng mga kaibigan
Toni
STAR/ File

Puno ang Araneta Coliseum base sa mga nai-post na video sa social media. Pero may mga nag-post din, at may nagkuwento sa aming namigay raw ng ticket sa labas para makapasok ang ibang taong gustong mapanood ang I Am...Toni 20th anniversary concert ng singer/actress at TV host.

Meron nga raw sa may food court ng Gateway na namigay rin ng tickets.

Sabi naman ng ilang nakausap namin na bumili ng tickets, meron daw talagang malalapit na supporters ni Toni na talagang naglabas ng pera. ‘Yung iba raw ay bultu-bultong tickets ang binili para maging successful lang ang naturang concert. Kaya bago nagsimula ang concert, nagkaubusan na.

May ilang kasamahan sa panulat na gusto sanang manood, wala na silang mahingan ng ticket.

Mahal pa naman ang ticket sa naturang concert, kaya ang laking tulong ng malalapit na supporters ni Toni para sa ikatatagumpay lang ng kanyang 20th anniversary at birthday concert.

Maui, nabiktima rin ng mga malditang baguhan

Karamihan talaga sa senior stars ngayon, nakakaranas ng kamalditahan ng ilang mga batang artista. Nagkuwento nga sa amin si Maui Taylor nung nakatsikahan namin sa DZRH tungkol sa isang young actress sa GMA 7 na wagas daw kung makapandedma sa kanila. “Meron kasi iba, kalu-launch pa lang, feeling nila sikat na sikat na sila,” pakli ni Maui.

Nangyari raw ito nung minsang nag-guest siya sa isang programa sa GMA 7 na kung saan may ilang mga senior star din daw siyang nakasama at   itong young actress na ito sa dressing room.

Kuwento ng dating sexy actress, “May incident na pumasok sa dressing room si feeling pa-star, alam naman niya kung sino ang kasama niya sa dres­sing room e. Imposibleng hindi, kasi naabutan ka naman.

“Tapos, wala dedma siya. Hindi talaga siya namamansin. Kami naman it’s more of hindi kami mamamatay ‘pag hindi mo kami pinansin, ‘di ba? Pero at the back of our heads, it’s more of respect.”

Iba raw talaga ang training nila nung kainitan ng Viva Hotbabes. “Dati kasi ang difference nung time namin sa time ngayon, dati kasi we were trained by Viva to say hi to everyone, you know. To respect our senior actors, ‘di ba? ‘Yun ‘yung training sa amin e. I think ‘yun ‘yung kulang sa younger generation ngayon na nag-attitude ng ganun na hindi ko nilalahat. Maraming sobrang humble, pero marami rin ‘yung sobrang laki ng ulo, wala pa man din,” dagdag niyang pahayag.

Natapos daw ang taping nila na nag-bye naman daw sa kanila. ‘Yun lang daw ang time na nabati silang senior stars. Wala na raw siyang balita ngayon kung nasaan na itong young actress na ito.

Samantala, kapansin-pansin ang pagiging bata pa rin tingnan ni Maui. Maliit siya kasi, pero parang walang nabago sa mukha niya.

Pero sabi ni Maui, ready na raw siya sa mother role, pero ayaw raw ni Boss Vic del Rosario. “Sinasabi ko kay Boss Vic na okay na ako mag mother role, ayaw niya!,” bulalas ni Maui.

Si Maui ang gumaganap na wife ni Janno Gibbs sa pelikulang Hello, Universe! na magsu-showing na sa mga sinehan sa Jan. 25.

David, produ na rin

Maganda ang nabuong friendship nina David Chua at direk Ian Loreños nang magkasama sila sa Mano Po Legacy: The Family Fortune nung 2020.

Gustung-gusto ni David ang role niya roon, at nagkasundo sila ni direk Ian.

Kaya naman, nang pinasok na rin ni David ang pagpu-produce ng kanyang Dark Carnival Productions, si direk Ian Loreños ang kaagad na naisip niyang magdirek.

Simula ngayong 4 p.m. sa Net 25 ay magpi-premiere ang bagong sitcom na pinamagatang Good Will na ipu-produce ng ALV Productions, Viktory 8 Media kasama ang Dark Carnival Productions.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with