Dawn, kinumpara kay Mocha Uson!

I doubt it kung papatulan ni Dawn Zulueta ang pambaba-bash sa kanya dahil sa biyahe sa Davos, Switzerland.

Lalo na nga at kinumpara pa siya kay Mocha Uson.

Kung noon daw kasi ay si Mocha ang nakakasama ng delegation ni dating pangulong Duterte, ngayon daw parang ang dating actress at misis ni Special Assistant to the President Anton Lagdameo.

Aside from Dawn, kasama rin sa Davos si Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano. (Ito kaya ang rason kaya hindi siya ang director ng concert ni Toni?)

Nauna nang itinanggi ng Malacañang ang 70-person delegation para sa 2023 World Economic Forum sa Switzerland.

Naglabas sila ng listahan na wala ang pangalan ni Dawn kaya ang sabi, personal money nila ang ginastos sa nasabing biyahe.

 

 

Show comments