Underage, isasalang sa bagong taon

Lexi, Elijah at Hailey

Isasalang ng GMA Network sa January 2023 ang TV version ng Regal movie na Underage na pinagbidahan sa movie nina Maricel Soriano, Snooky Serna at Dina Bonnevie.

Sa Jan. 16, 2023 ito mapapanood sa GMA Afternoon Prime kapalit ng Nakarehas Na Puso. Ang bagong Underage girls ay sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes.

Sa primetime naman, isasalang na ang Wattpad series na Luv In His Arms, The Write One at ang tinaguriang mega serye na Urduja’s Jewels.

Little mistresses…, bardagulan

Para sa bansa ang hatid ng pelikulang Ten Little Mistresses (Sampung Mga Kerida) mula sa Idea First Company ni direk Jun Lana.

Ayon sa tweet ng writer-director, ini-reveal ang balita ng Prime Video nitong nakaraang araw na ang ginawang movie ang unang Filipino Amazon Original movie na mapapanood sa Prime Video Philippines at sa mahigit 240 countries sa buong mundo simula sa Feb. 15, 2023!

Bida sa movie sina Eugene Domingo, Pokwang, John Arcilla, Christian Bables, Arci Muñoz, Carmi Martin, Kris Bernal,  Agot Isidro, Kris Bernal at maraming iba pa.

Bardagulan, pasiklaban at pabonggahan ang cast sa larger than life movie.

Ang isa pang nilulutong istorya si Jun na ang title naman ay Sampung Mga Baklita.

Show comments