^

PSN Showbiz

Emil Malaborbor, itinanghal na Sing Galing Kids, Suntok... at Kantastic Finale back-to-back ang pagtatapos

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Magkakaroon ng back-to-back na pagtatapos ang sinubaybayang movie serye na Suntok Sa Buwan at ang Kantastic Finale ng Sing Galing sa TV5 ngayong linggo.

Matapos ang pang-intergalactic na pa-Sing-laban ng mga Kantasti-Kids sa Sing Galing Kids: The Kantastic Kiddie Finale noong Sabado, December 3, tinanghal bilang kauna-unahang Ultimate Bida-O-Kid Star ang Magnetic Kid ng Lucban, Quezon na si Emil Malaborbor.

Tuloy pa rin ang pa-Sing-laban dahil kumpleto pa ang Team Galing na maglalabanan sa Team Galing Showdown ng Sing Galing! Matutunghayan ang matinding pang-Sing Galing-ang performance nina Janette Larnie Mamino, Kate Gabriel, Carmela Lorzano, Rachelle Cardenas, Sean Felix, at Joy Escalante. Sino kaya sa kanila ang aabot sa dulo para sa Sing Galing The Kantastic Finale?

Gaganapin The Kantastic Finale sa EVM Convention Center at mapapanood ng live sa TV5 ngayong Sabado, December 10, 6PM.

Samantala, patindi nang patindi ang aksyon sa nalalapit na pagtatapos ng movie seryeng pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Elijah Canlas.

Magtatagumpay kaya ang mag-amang Jimmy Boy at Dos sa kanilang misyon?

Magkakaroon ng ‘pagdanak ng dugo,’ pag-agos ng luha, at pagsidhi ng emosyon sa finale episode ng Suntok Sa Buwan ngayong Huwebes, December 8, 7:15PM sa TV5.

Maaaring mapanood ang full episodes ng mga programang ito sa Cignal Play – i-download lang ang app for free at mag-register para makapanood dito.

SUNTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with