^

PSN Showbiz

Matapos ang angiogram... Robin naghahanap ng bagong nobya!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Matapos ang angiogram... Robin naghahanap ng bagong nobya!
Robin Padilla.

Maraming nagulat na back-to-Senate na si Sen. Robin Padilla matapos ang heart procedure nito.

Maraming nagtaka na ang bilis naman niyang naka-recover.

Kaya nagpaliwanag siya na sumailalim lang siya sa painless procedure matapos makitaan ng mga doctor ng ischemia, ang angiogram, (Ischemia is a condition in which the blood flow (and thus oxygen) is restricted or reduced in a part of the body. Cardiac ischemia is the name for decreased blood flow and oxygen to the heart muscle ayon sa www.heart. org). Pero wala siyang binanggit kung kailan ang nasabing heart procedure na ibinalita ng misis niyang si Mariel Rodriguez. Kaya naman normal-normalan na ulit ang actor turned senator.

Kahapon ay may post din siyang naghahanap siya ng bagong nobya para sa kaligayahan ng puso. Pero ‘di naman literal na nobya : “Sabi ng doctor kailangan bumalik sa kaligayahan ng puso. Hanap muna ng bagong nobya,” aniya habang nasa isang tindahan ng mga baril.

 

ROBIN PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with