^

PSN Showbiz

Belle, natigalgal nang tanggapin ang award sa Korea

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Belle, natigalgal nang tanggapin ang award sa Korea
Belle
STAR/ File

Noong isang linggo ay tinanggap ni Belle Mariano ang kanyang kauna-unahang international award mula sa Seoul International Drama Awards na ginanap sa South Korea.

Hinding-hindi umano makalilimutan ng aktres ang mga sandaling nasa entablado siya upang tanggapin ang Outstanding Asian Star award para sa He’s Into Her. “I’m lost for words. I can’t describe the feeling once I was there on the stage. No’ng una kinakabahan ako. Siyempre first time ko mag-accept ng award on stage and it is being held in Korea pa. ‘Yung moment when I was there on stage, I just really cherished the moment,” nakangiting pahayag ni Belle.

Nagsimula bilang isang child actress si Belle ay mula raw noon ay nangangarap nang magkaroon ng award.

Masayang-masaya ang dalaga dahil unti-unti nang natutupad ang mga minimithi lamang noon. “Ever since I really wanted to win awards. This is just the first of many. I am claiming it. Super fulfilling siya, super talaga. Para akong little girl na na-achieve niya ‘yung dream niya,” paglalahad ng aktres.

Isang bagong pelikula ang ginagawa ngayon nina Belle at Donny Pangilinan. Magbibida ang tambalang DonBelle sa An Inconvenient Love na unang pelikula ng Star Cinema na mapapanood sa mga sinehan pagkalipas ng dalawang taon.

Malaki ang pasasalamat ni Belle sa mga patuloy na sumusuporta sa tambalang DonBelle. “I wouldn’t be here without them so maraming, mara­ming salamat. This accomplishment is also yours, guys. Grabe, kung pwede ko ibigay sa inyo ‘yung award, you, guys, deserve it. And I’m going to do my very best para makakuha pa tayo ng maraming awards,” pagtatapos ng dalaga.

Maris, gusto nang gumawa ng mature roles

Masayang-masaya si Maris Racal sa takbo ng kanyang showbiz career. Mula sa pagiging Pinoy Big Brother housemate noong 2014 ay sunud-sunod na ang nagawang proyekto ng dalaga bilang isang aktres at singer. “Thankful ako sa lahat ng nangyayari. Dati kasi sobrang worried ako sa career ko but now sobrang happy ako sa mga nangyayari sa akin. Ang dami kong dream goals na natupad and dream directors na nakatrabaho. Feeling ko sobrang solved na ako do’n. But I am aiming for more but at the same time I feel very grateful and contented,” pagbabahagi ni Maris.

Ngayon ay pinapangarap ng aktres na maktrabaho ang ilan pang malalaking artista ng ABS-CBN. “Sana makatrabaho ko na si Jericho Rosales. Sana makatrabaho ko na si Kathryn Bernardo. Since 25 (years old) na ako, siguro a bit mature na. Gusto ko mag-mature na talaga even sa roles. Siyempre one step at a time,” pagtatapat niya.

Ayon kay Maris ay malaki na ang kanyang ipinagbago mula noong pasukin ang show business. “Kung mako-compare ko ‘yung sarili ko sa younger Maris, masasabi ko na she gained more confidence. Mas willing na siyang matuto and mas nai-enjoy na ‘yung paligid niya. Hindi na siya anxious, hindi na siya nagwo-worry palagi, masayahin,” makahulugang pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

BELLE MARIANO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with