^

PSN Showbiz

Jameson, hindi pa ready kay Heaven

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jameson, hindi pa ready kay Heaven
Jameson Blake

May bulung-bulungan na mayroon na raw espesyal na ugnayan sa pagitan nina Heaven Peralejo at Jameson Blake. Naging malapit sa isa’t isa sina Heaven at Jameson dahil nagkatrabaho sa tele­seryeng A Family Affair. “We’re not together, we’re friends. But I’ll say na naging close kami sa A Family Affair. Magkasama kami doon and I got to know her more. Alam ko may mga articles na lumabas na people are saying na we are together pero we are not together. We’re just friends,” paglilinaw ni Jameson.

Aminado naman ang aktor na talagang nagustuhan niya ang pagiging mabuting tao ng aktres. “I like her. She’s really nice and my mom knows her also. I know her mom also. We’ve worked together multiple times,” pagbabahagi ng binata.

Ayon kay Jameson ay wala siyang karelasyon ngayon dahil gusto munang pahalagahan ang sarili. “Feeling ko hindi pa ako ready for a commitment. I just want to be stable. I just want to focus on myself muna,” giit ng aktor.

Karjon, nagbalikan na

Muling nagkatambal sina Karina Bautista at Aljon Mendoza para sa Hoy, Love You! na pinagbibidahan nina Roxanne Guinoo at Joross Gamboa. Mapapanood ang ikatlong season ng naturang iWantTFC series simula Sept. 30. Para kay Karina ay hindi naman nawala ang tambalang KarJon kahit mayroon na silang ginagawa ni Aljon na kanya-kanyang proyekto. “I don’t think na ito ang pagbabalik (ng tambalang KarJon) kasi hindi kami talaga nawala. Mas passion ko kasi ‘yung hosting. Kaya ako talaga nagtuluy-tuloy sa pagho-host ng Bida Star at Star Hunt auditions,” paliwanag ni Karina.

Si Aljon naman ay magbibida rin sa Teen Clash kasama nina Jayda Avanzado at Markus Paterson. Masayang-masaya ang aktor dahil muli silang nabigyan ng pagkakataon ni Karina na magkatambal. “Happy naman kami kasi nagkakaroon kami ng workmates na iba’t ibang tao. Nagkakaroon kami ng opportunity mag-grow saka mag-explore. Tingnan natin, for sure marami ka­ming projects na gagawin together,” nakangiting pahayag ni Aljon.

Suportado nina Karina at Aljon ang ginagawa ng bawat isa. Unti-unti na raw na natutupad ang kanilang mga pinapangarap lamang noon. “Happy ako sa lahat ng achievements. Napag-uusapan namin, sabi niya talagang pangarap niya maging host. Passion niya talaga ‘yon. Ngayon, nakikita ko ang dami na niyang ginagawang hos­ting. Happy akong nakikita ko na unti-unti na siyang naaabot,” dagdag pa ng aktor.

“I’ve always been proud of all your achievements in your growth as a person and in this career as an actor. I’m thanful na naging part ako ng journey mo. Sabay naman nating na-build ‘yung mga skills and qualities. We’ll just have to see where life takes us both,” mensahe naman ni Karina kay Aljon. (Reports from JCC)

JAMESON BLAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with