Rita, hiwalay na sa ama ng kanyang baby?!

Rita Daniela.

Produkto nga ba ng breakup sex ang pinagbubuntis ni Rita Daniela?

‘Yun ang narinig kong kuwento kahapon.

Diumano’y break na si Rita at non-showbiz / businessman boyfriend nang nabuntis ang singer / actress.

May ganun kasi, kung kailan tapos na ang relasyon at saka naman sila nakabuo.

Pero pananagutan naman daw ng ex-boyfriend ni Rita ang kanyang responsibilities sa magiging baby nila.

Kaya pala ayaw pangalanan o ipakilala ni Rita ang ama ng kanyang iluluwal na baby.

Blooming na buntis si Rita kaya hinuhulaang babae ang magiging baby niya.

Show comments