'Goin' Bulilit' star Miles Ocampo nag-apply na camerawoman sa 'Eat Bulaga!'

Makikitang nagtratrabaho bilang camerawoman ang aktres na si Miles Ocampo
Mula sa Instagram account ng "Eag Bulaga!"

MANILA, Philippines — Sa kagustuhang makabalik sa "Eat Bulaga," nagsumite ng kanyang aplikasyon sa technical team ng longest-running Filipino noontime show ang aktres na si Miles Ocampo bilang camerawoman.

Miyerkules nang makita si Miles sa loob ng studio dala ang kanyang resume sa pagsisimula ng programa. 

"Yung bagong Cameraman ang active oh! ????????" sabi ng Instagram post ng palabas nitong Huwebes.

View this post on Instagram

A post shared by Eat Bulaga (@eatbulaga1979)

Kitang-kita rin sa video kung paano mandohan ni Miles ang live audience at constestants na nasa show.

Sabado lang nang matanggal si Miles bilang host ng "Eat Bulaga" matapos ang "Bida Ex" segment, isang spin-off ng "Bida Next," isang contest para makahanap ng bagong host ng show. 

Ika-12 lang ng Agosto nang mag-post ang noontime show na naghahanap sila ng lighting director, sound engineer, set designer, audiomen, lightmen at cameramen, bagay na in-applyan ng aktres. 

"Dabarkads women applicants are welcome," sabi sa Facebook post ng palabas.

Unang sumikat nang husto sa children's gag show na "Goin' Bulilit" si Miles, na siyang nakakontrata ngayon sa Crown Artist Management ni Maja Salvador.

Nakilala rin siya noon sa television roles niya sa palabas na "Luv U," "Home Sweetie Home," atbp. — James Relativo

Show comments