Pokwang, gustong ibalik sa dagat si Ella!

Pokwang at Ella Cruz.

Gustong ibalik sa dagat ni Pokwang ang ‘anak’ na si Ella Cruz.

Ito ay dahil pa rin sa sinabi ni Ella na ang history ay para lang chismis.

Tweet ni Pokwang kahapon : “nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasangayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana.”

Gumanap silang mag-ina sa Kapamilya teleserye noon na Aryana kung saan gumanap na serena si Ella na kontrobersyal ngayon.

Show comments