^

PSN Showbiz

Gerald, binigay lahat ng suporta kay Ivana

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Gerald, binigay lahat ng suporta kay Ivana
Gerald at Ivana
STAR/ File

Nagulat pala si Gerald Anderson kay Ivana Alawi.

Actually, ang alam lang daw niya dati, YouTube star si Ivana pero bongga raw ang naging performance nito sa teleserye nilang A Family Affair.

Kaya naman, ayon kay Gerald, binigay nila ang lahat ng suporta sa sexy star : “Siguro lalo na kami ni Sam (Milby). Para sa akin, if she wins, we all win. Sa kanya umiikot ‘yung buong istorya. ‘Yung apat na magkakapatid (Gerald, Sam, Jake Ejercito and Jameson Blake), lahat kami connected sa kanya. As her first lead role, para makita mo ‘yung growth ng tao, makikita mo ito ‘yung oportunidad na binigay sa kanya tapos ginagawa niya ‘yung maganda at meron akong soft spot para sa ganyan.

“Sabi ko nga sa manager dati before kami mag-start ng taping, I will do my best for her to sign and she was signed on this. Ang ganda! Magugulat ‘yung audience, ‘yung  fans niya,” banggit ni Gerald sa media conference kahapon.

“Talagang nagulat ako sa performance niya, sa binibigay niya sa passion niya, sa professionalism niya kung paano siya makipagtrabaho. Maraming matutuwa. ‘Yung audience niya sa YouTube sigurado ako, ayaw kong sabihing ibang Ivana pero magugulat kayo sa Ivana na mapapanood niyo bilang Cherry Red (character ni Ivana),” dagdag ng aktor na nasa kotse kahapon habang nasa zoom conference.

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with