Sen. Robin, hindi natatakot mapahiya

Robin Padilla.

Sinagot ni Senator elect Robin Padilla ang statement ni outgoing Sen. Franklin Drilon sa interview ng OnePh na“Ang aking payo sa aking mga kasamahan, unang una, mag-aral po kayo… Kung hindi tayo mag-aaral, ay baka mapahiya tayo” sa mga bagong senador.

Sa post ni Robin, sinabi niyang:

“Manong senador Franklin drilon

“Mawalang galang po sa inyo

“Hindi po ako natatakot mapahiya

“Wala pong nakakahiya sa pakikipaglaban hanggang sa huling hininga. Susundin ko po lahat ang patakaran ng senado kaya po ako nag aaral.

“Pero hindi ang manahimik dahil akoy ipapahiya ng tradisyon.

“Buong buhay ko ako’y ipinahiya na ngunit ito pa rin ako nakatindig pa rin hawak ang bandila ng Pilipinas.

“Tsaka ko na po yuyukuan ang tradisyon po na inyong sinasambit kapag Meron na pong nakinabang sa 80 porciento ng mga Pilipino naghihikahos,” ang buong sagot ng number 1 senator.

Nag-post kasi ang actor turned politician na pinag-aaralan na niya ang mga kailangan gawin sa senado.

Nag-tweet din ang hindi nanalong senador na si Teddy Baguilat na isang Katutubo na : “Good that sina Sen. Raffy and Sen Robin e mag aaral ng public ad para sa Senado. Kami naman na dati ng aral sa government e Kailangan naman magpasikat o mag artista. Charot. Hehe.”

Reaction naman ni Karen Davila : “GOOD MOVE Sen Robin Padilla.

“Winning showbiz candidates should stop treating the senate like a bonus or just a stature post. Let us demand they do the work, show up and be active. The Filipino people deserve no less.”

May mga nagre-react kasing hindi naman eskuwelahan ang Senado. Kaya dapat ang mga nanalo ay ‘yung handang gumawa ng batas para sa ikabubuti ng lahat.

Show comments