Agot, pinagmalaki sa bashers na never siyang magugutom!

Agot Isidro.

Naka-private na ang Twitter account ni Agot Isidro. Kaya hindi na basta-basta makapasok ang bashers.

Kilalang palaban si Agot.

“I have survived 6 years of trolling and bashing. This time, I won’t take it sitting down.

“Sa trolls, hinding-hindi ako magugutom. Not even in the next lifetime. Hindi ako malalaos kasi hindi ako sikat. Mukha akong matanda kasi matanda na ako. At least, Au naturel.

“Ngayon...”

Kilalang Kakampink si Agot at critical sa magtatapos na gob­yerno ni President Duterte.

Galing siya sa mayamang pamilya kaya malabo nga naman siyang magutom kahit pa i-cancel culture siya ng bashers.

Dagdag pa ni Agot: “Kung Kailangan nyo ng tulong, ituturo ko kayo sa Malacañan. Kung Kailangan nyo ng pera, Singilin nyo yung tallano gold. Hintayin yo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata n’yo. Walang kuryente? Sabihin mo magtayo ng windmill sa bakuran nyo.

#balakayojan

#willdelete.”

Show comments