^

PSN Showbiz

Sandara, kakahanga ang ugali

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sandara, kakahanga ang ugali
Sandara Park.

Talagang hahanga ka kay Sandara Park, Salve. Feel mo talaga na mahal niya ang Pilipinas at mga Pilipino.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa ang husay niya sa pagsasalita ng Tagalog.

Hanggang ngayon kilala pa rin niya ang mga kaibigan niya sa atin. Hanggang nga­yon ipinapakita niya na mahal niya tayo.

Very touching nga na kahit sa Korea kung saan isa siyang big star talagang welcome pa rin ang friends niya ‘pag pumunta.

Talagang nagbibigay oras siya para sa mga kaibigan niya, niyaya niyang mag-lunch o dinner.

Naalala ko lang bigla si Sandara dahil nag-throwback daw sa Facebook ang kuha namin ni Sandara nang dumating siya sa bansa kung saan ako nag-attend ng presscon.

Ito yata ay nung magkaroon siya ng album launching sa bansa.

Basta ang isang sigurado ako sweet and sincere si Sandara kaya naman hindi rin siya makalimutan ng followers niya dito sa Pilipinas.

Number one nga niyang love si Budingding o Elena na ‘pag nalaman niyang nasa Korea talagang gagawa siya ng oras para puntahan.

Saranghamnida, Sandara. Hope to see you soon.

Pilian ng kulay, matatapos na

One day na lang, election na.

Bongga ito dahil talagang sumali ang mga taga-showbiz sa pilian ng kulay ng mga kandidato.

At least open sila, para ‘pag may pumalpak sa sinalihan nilang kulay, alam ng followers kung sino ang sisisihin. Kasi nga, ang iba over the top sa kanilang endorsement.

Bongga nga, labas kulay para mas klaro ano ang gusto mo. At handa ka rin sa magiging resulta nito tutal naman botohan na bukas at magkakaalaman na.

vuukle comment

SANDARA PARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with