John Lloyd, nakikain sa mga taga-pasig kasama si Simon

John Lloyd at Simon

Wow, kasamang nag-house to house ni future Pasig councilor Simon Romulo si John Lloyd Cruz.

Yup, as in game na game ang actor na nakipag-chikahan at nakipag­kainan sa ilang taga-Pasig na hindi raw gumamit ng serving spoon ayon sa ilang nakasalo nina Simon at John Lloyd.

Si Simon ay grandson ni former Sen. Alberto Romulo at pamangkin ni Pasig City Congressman Roman Romulo.

Anyway, naka-schedule mag-taping ang actor sa Boracay para sa sitcom niya sa GMA 7 na Happy ToGetHer.

Ayon sa isang source, wala pa raw sa plano ni John Lloyd na pumirma ng network contract sa GMA.

Wala namang ‘kulay’ na nilalantad si John Lloyd sa kanyang ineendorsong kandidato sa pagkapangulo unlike Piolo Pascual na isang lantad na ‘gwapink.’

Show comments