Belle, kinikilig sa suporta ni Donny
Tatlong taon nang namamayagpag ang tambalan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan na mas kilala sa tawag na DonBelle.
Ayon kay Belle ay talagang nasubaybayan niya kung paano naging magaling na aktor si Donny sa paglipas ng mga taon. “I usually say this na everyday he just amazes me with what he does and with that, he just inspires me and it radiates to everyone. Grabe talaga ‘yung eagerness niya to learn and he just wants to improve and be better in what he does,” pahayag ni Belle.
Mas lumalim ang pagkakaibigan nina Donny at Belle sa loob ng tatlong taon. Matatandang nagkailangan pa ang dalawa noong nagsisimula pa lamang ang tambalang DonBelle. “It’s the genuinity, you can see naman from the very beginning nano’ng una pa lang how we were so awkward with each other. And now I’ve gotten to that point where I’m comfortable being myself in front of him. So what I value most really is the support, the care, and also the genuinity of our relationship. To me, his act of service is siguro just being there during the scenes. Let’s say hindi naman lahat kasama sa shot. So just being there and helping me kalas as well kapag mabigat ‘yung mga karga (sa mga eksenang ginagawa). Just him listening to me especially coming from a scene that’s heavy, I get kilig kapag gano’n, him being around especially sa scenes na ginagawa naming mabibigat,” pagbabahagi ng aktres.
McCoy, hindi nagmamadaling pakasalan si Elisse
Muling nagkatrabaho para sa pelikulang Habangbuhay sina Elisse Joson at McCoy de Leon. Magkahalong emosyon daw ang naramdaman ngayon ng aktor dahil sa muli nilang pagtatambal ni Elisse para sa isang proyekto. Matatandaang huling nagkatambal sina McCoy at Elisse sa pelikulang Sakaling Maging Tayo noong 2019. “Halu-halo ‘yung feeling kasi first time ulit namin na magka-project together and first time namin na may batang naiiwan. Excited ka naparang gusto mong umuwi din agad pero excited ka din na magka-work ulit,” pahayag ni McCoy.
Kamakailan ay nabinyagan na ang anak nina Elisse at McCoy na si Felize. Mag-iisang taong gulang na ngayong buwan ang bata. Para kay McCoy ay marami siyang mga natuklasan sa aktres mula nang magkaroon ng sariling pamilya. “Si Elisse, gusto niya lahat best for her family. Gusto niya lahat mabigyan ng kasiyahan, mabigyan ng time. Ayaw niya na may nale-left behind. Same Elisse na nakita ko as girlfriend ko. Ngayon as a mother, ibang-iba siya. Kung makikita n’yo lang sa picture, laging nagpo-photo shoot ‘yan, mga damit niya sosyal. Pero ‘pag nasa bahay, mas nakikita ko na ‘yung priority niya, kay Felize, sa anak namin. Wala akong masabing kulang, wala rin akong masabing sobra. Sobrang perfect si Elisse para sa naging anak namin kaya thankful ako kay Lord,” paglalahad ng aktor.
May plano na kayang pakasalan ni McCoy si Elisse sa mga susunod na taon? “Alam namin sa sarili namin na merong time na malalaman na lang namin. Siyempre sa akin manggagaling. Gusto namin na i-explore pa ‘yung bawat side namin. Marami pa kaming nai-explore ngayon. Marami pang mga kakaibang malalaman sa bawat isa kaya nandoon kami. Ayaw naming biglain, ayaw naming madaliin,” makahulugang pahayag niya. (Reports from JCC)
- Latest