Angel, tuloy ang pag-aayuda

Angel.

Hangang-hanga naman ako kay Angel Locsin. Grabe talaga ‘yung pagtulong niya sa victims ng Odette. Talagang sinuyod niya lahat ng puwedeng puntahan na lugar para magbigay ng tulong kasama ang asawang si Neil Arce.

Talagang bukal sa loob at tunay na very relevant ang pagiging charitable at generous ni Angel. Imagine mo na pinuntahan niya ang Marawi.

Sana tulad ni Angel ang ibang stars magkaroon din ng compassion para tumulong sa mga taong nangangailangan. Ang laki ng nagagawa ng star power para makita ng tao na dapat bigyang pansin ang isang lugar.

Dapat mga ganitong bagay ang ginagawa ni Bea Alonzo. Huwag ‘yung pagri-react sa mga non-essential things. Ituon mo ang pansin sa mas magandang bagay, para mas lalong gumanda at hindi madagdagan ang wrinkles. Be positive, be beautiful.

Bea kailangang magpabata kay Alden, alagang-alaga ng glam team mula face hanggang legs

Totoo ang sinabi ni Cristy. Talaga namang sa edad na 34, alagang-alaga ni Bea Alonzo ang kanyang mukha at katawan. Kaya nga hindi nga gaanong napapansin ang mga pileges at laylay sa braso dahil ingat na ingat siya. At sa rami ng products na inilalagay para maalis ang wrinkles sa mukha, dapat lang talaga na magmukhang bata siya kahit pa nga malapit nang maging senior star.

Imagine mo naman na si Alden Richards ang partner niya sa mga ginagawa niyang trabaho, dapat talaga huwag siyang magmukhang Tita Bea ni Alden noh!

Saka ang husay naman ng glam team ni Bea na imagine mo dalawang oras late sa presscon niya dahil siguro nga, talagang pinaghirapang mabuti na ayusin ng glam team, mula face hanggang legs, todo makeup talaga.

Alagaan talaga ni Bea Alonzo ang face at katawan, iyan ang investment niya para may power siya na mag-cancel ng invited guests sa launching ng product na i-e-endorse niya na sana ay binili sa market ng followers niya para naman kumita sana ang business ng kumuhang model sa kanya. Bea Alonzo is Bea Alonzo, bonggang bongga, ‘di bah!

Show comments