^

PSN Showbiz

Aktres, mahilig magdrama sa karelasyong hunk actor

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Totoo kayang tuloy pa rin ang pagseselos ng magandang aktres sa kanyang hunk actor na boyfriend kahit in-open na nila sa publiko ang kanilang relasyon?

Sa totoo lang, selos ang dahilan kung bakit nag-break na sila noon, pero nagkabalikan dahil na rin sa pangungulit ni magandang aktres.

Napapag-usapan na sila ng ilang kaibigang malapit sa dalawa, dahil sa pagdadrama raw ni magandang aktres kay hunk actor.

Kahit pareho raw silang abala sa trabaho, nagagawa raw nitong aktres na magpadala kay hunk actor ng mga kuha niyang very sad siya.

Kaya lumambot ang puso ni hunk actor at nagkaayos sila, nagkabalikan at masaya na sila ngayon.

Hindi lang sila masaya kapag inabot daw ng selos si magandang aktres.

Halos lahat daw ay pinagseselosan niya, kaya naiinis na rin si aktor. Desirable din naman kasi si hunk actor, kaya habulin pa rin ng girls at pati na rin ng mga pa-girl.

Pokwang, abala sa pagpatol sa bashers

Ipinost ng manager ni Pokwang sa Sparkle GMA Artist Center na si Daryl Zamora na abangan ang malaking event ng komed­yante sa Nov. 18. Concert pala ito ni Pokwang na gaganapin sa Resorts World Manila.

Selebrasyon ito ng komedyante para sa kanyang 18th anniversary sa showbiz. Ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na ito Pokwang.

Maaga ang preparasyon para sa November pero dapat nang paghandaan ito ni Pokwang, para hindi na niya mapag-aksaya­han ng panahon ang pagpatol sa bashers.

May partisipasyon kaya ang ibang kasamahan sa ABS-CBN 2 sa concert na ito ni Pokwang?

Malaking bahagi ng kanyang 18 years sa showbiz ang mga dating kasamahan sa kabilang istasyon, at siguro naman hindi ito puwedeng dedmahin ng komedyante.

Samantala, November din ang paboritong date ni AiAi delas Alas para mag-concert, dahil birthday month niya ito.

Wala pa naman siyang sinasabi kung magku-concert din siya nga­yong taon. Pero sana magkaroon din dahil ang tagal na rin nating walang live shows kagaya ng pasabog niyang concert.

Kung magku-concert si AiAi sa November, masayang tapatan ito nila ni Pokwang kung sakali.

Tinatapos pa ni AiAi ang drama series niyang Raising Mamay, na ang ­unang naisip nilang gaganap dapat ay si Pokwang.

K-star na si Hyo-Jin, hinulaang susunod na magpapakasal

Laman ng karamihang YouTube channel ang katatapos na kasal ng sikat na South Korean actors na sina Hyun Bin at Son Ye-jin.

Pati ang ilang kilalang celebrities dito sa atin ay nakibati na rin dahil sa pagmamahal nila sa dalawang bida ng Crash Lan­ding On You.

Nagawa nilang very private ang kasal, pero marami pa rin ang kumuha ng ilang kaganapan sa kasal, kahit hindi nakakalapit sa venue.

Isa sa nakakatuwang tagpo sa kanilang kasal ay ang pagkasalo ni Gong Hyo-jin ng bouquet ni Ye-jin. Si Gong Hyo-jin ay ang sikat ding South Korean actress na bida ng critically acclaimed na When The Camella Blooms. Bestfriends pala sila ni Son Ye-jin.

Marami na rin siyang nag-hit na mga K-drama na kung saan naka-partner pa niya ang mga super sikat ding sina Gong Yoo, Song Joong-ki at Jo In-sung. Tinagurian din siyang Queen of Romcom.

Pinag-usapan tuloy ng mga K-drama fans na si Gong Hyo-jin na kaya ang susunod na ikakasal.

Kinumpirma ng talent agency ni Gong Hyo-jin na boyfriend nito ang kilalang Korean/American singer at songwriter na si Kevin Oh.

Si Hyo-jin ay 41 years old at 31 years old naman si Kevin. Masaya raw sila sa kanilang relasyon. Pero wala pa raw planong magpakasal.

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with