^

PSN Showbiz

Erap, bibigyan ng tribute ni Mother Lily

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Erap, bibigyan ng tribute ni Mother Lily
Mother Lily
STAR/ File

Alam mo, Ateng Salve, in fairness kay Mother Lily Monteverde, in high spirit siya nang makita ko noong Friday night sa Club Filipino in Greenhills, San Juan.

Super tsika nga si Mother Lily at isa sa napagkuwentuhan namin ay si Ruffa Gutierrez.

Panay ang tanong ni Regal Entertainment matriarch kung engaged na ba si Ruffa sa napapabalitang boyfriend ng isa sa mga hurado ng Sexy Babe segment ng It’s Showtime?

Ikinuwento ko nga kay Ruffa ang tsikang ‘yon ni Mother at naloka rin siya.

Anyway, isa si Ruffa sa nakaka-miss kay Mother Lily. Natuwa nga siya nang malaman na nagkasama kami ng Regal producer. Wish ni Ruffa na magkasama rin sila ni Mother Lily.

Anyway, noong maka-dinner namin si Mother Lily with Ms. Roselle Monteverde ay biglang naisipan niya na gusto niyang bigyan ng tribute si former president Joseph ‘Erap’ Estrada.

Gusto raw niyang ganapin ‘yon sa Valencia Events Place  sa tabi ng kanyang Regal studio office.

Mukhang type na rin ni Mother Lily na buksan uli ang lugar na ‘yon lalo na ngayong parang bumabalik na sa normal ang showbiz, huh!

Anyway, ang alam ko, ang ibang mga eksena ng Mano Po Legacy: Her Big Boss production nila for GMA 7 ay nagte-taping sa Valencia Events Place.

Actually, kaya nga sa Club Filipino ginanap ang contract signing ni Lovi Poe noong Friday ay dahil may taping nga ang romantic-comedy series na pinagbibidahan nina Ken Chan, Bianca Umali, Pokwang at iba pa sa Valencia.

Naku, Ateng Salve, sayang at nakaalis ka na sa Club Filipino dahil ang sayang katsikahan ni Mother Lily that night at ang dami niyang mga kuwento tungkol sa mga plano nila ni Roselle for Regal Entertainment. Inc.

Paulo at Janine, pinayagan ni Ogie sa ‘Pangako’

Ang saya-saya ng mga fan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez dahil willing nga si Ogie Alcasid na ipakanta sa rumored sweethearts ang kanyang Pangako song.

Eh, naikuwento nga sa amin ni Ogie na may bago siyang arrangement ng kantang ‘yon at ibibigay niya sa PauNine love team para ‘yon na ang maging duet nila.

Pero dahil request nga na i-record ‘yon nina Paulo at Janine kaya baka hindi pa nila kantahin ‘yon sa OA sa Love in the USA California concert tour nila.

Nakapag-rehearsal na rin kasi sila ng mga kakantahin nila sa three shows nila roon.

And yes, Ateng Salve, tama ang sinabi nina Paulo at Janine sa presscon nila last week na may mga pinaplano na silang puntahan sa US dahil may nagtsika nga sa amin na may pupuntahan daw na theme park ang dalawa.

Bongga!

vuukle comment

OGIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with