^

PSN Showbiz

Carla hinihintay pumiyok, trina gusto nang maka-move on kay Carlo

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Marami nga ang nakapansin na mismong si Carla Abellana ang nagla-like sa lahat ng comments kay Tom Rodriguez kahit ang comment na nagsasabing “cheater” ito.

Napansin din nila na sa social media posts niya ay may suot pa ring wedding ring si Tom sa kabila ng mga sinasabing hiwalay na silang mag-asawa.

Maliwanag kung ganun na mukhang ayaw na nga ni Carla, pero si Tom ay umaasa pa sa isang reconciliation.

Walang nakakaalam sa totoong rason ng hiwalayan nilang hanggang ngayon. Ang lahat ay batay lamang sa mga nabubuong ispekulasyon dahil sa mga pasaring lang na statement nila. Maging ang mga kanta ni Tom sa isang TV show kung saan siya naging guest ay binibigyan ng kahulugan ng mga tao na talagang ganyan ang kalalabasan hanggang walang statement mula kanino man sa kanila.

Masyadong biglaang paglabas ng mga balitang hiwalay sila matapos ang kanilang kasal noong October. Bago iyon, may inasikaso pang negosyo sa Cebu si Tom at doon nga siya inabot ng bagyong Odette kaya hindi siya nakauwi on schedule.

Wala naman kasing flights. Pagkatapos noon lumabas na nga ang mga tsismis. May mga tao pang nadamay sa tsismis, na mabilis namang pu­malag kaya natigil iyon.

Bagama’t si Carla nga ang mas nagre-react sa mga tsismis na hindi mo alam kung saan nagmula, nananatili naman siyang tahimik.

Kung handa na nga siyang makipaghiwalay kagaya ng pinalalabas ng iba, bakit nga ba hindi pa niya diretsahang aminin, sabihin kung bakit at nang matigil na ang ispekulasyon.

Ang tagal-tagal na nilang naging magsyota bago nagpakasal, tapos ilang buwan lang may ganyang tsismis na agad?

Mukhang desidido na ang modelong si Trina Candaza sa kanyang paki­kipaghiwalay sa boyfriend na si Carlo Aquino.

Hindi iyan ang una nilang paghihiwalay. Hindi lang umalis sa kanilang tahanan si Trina at lumipat sa isang condominium na kasama ang kanilang anak, nakikiusap pa siya sa mga tao sa social media na huwag nang babanggitin ang kanyang pangalan, o ita-tag siya sa social media sa anumang posts tungkol kay Carlo, “para mabilis akong maka-move on.” Ibig sabihin talagang desidido siyang huwag nang makipagbalikan sa actor.

Akala namin noong una ay gimmick nga rin lang dahil nakasali pa pati sa tsismis ang pangalan ng dating girlfriend ni Carlo na si Angelica Panganiban tapos lumala na nga nang lumala hanggang sa umalis na si Trina sa kanilang tahanan.

Make-up artist, hinihiritan ng motorsiklo ng showbiz personality na pumapatol sa bading

Hinaharbatan na naman daw ng isang motorsiklo ng kilalang “bilmoko boy” ang isang make-up artist na bading na nababaliw sa kanya. Pero nakakahalata na rin ang make-up artist, halos naibibigay na raw niya kay bilmoko boy ang lahat ng kinita niya sa mga nagawa niyang indie, pero “wala pa ring nagyayari.”

Ang promise raw ni bilmoko boy, may mangyayari na basta ibinigay sa kanya ang motorsiklo at ang kondisyon niya “gusto ko paid talaga at hindi installment.”

Pero nagsisimula na ring magduda ang bading dahil napakarami na niyang naririnig na kuwento tungkol kay bilmoko boy, na sinasabing kahit na ang isang kilalang gay director ay sumuko.                                                                                                                                                                                             

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with