DZBB, nganga Kay Bongbong

Walang presidentiable na Bongbong Marcos na umapir kahapon sa Ikaw Na Ba? segment ng DZBB para ma-interview ang mga presidential at vice presidentiables.

Schedule kahapon ni Marcos para ma-interview nina Melo del Prado at Kathy San Gabriel pero walang Marcos na dumating. Ayon sa kampo niya, nasa Min­danao daw si Bongbong at mahirap ang signal.

Nagpasabi si Marcos ng ibang araw para makausap siya. Pero sa araw na binigay, si Isko Moreno ang naka-schedule kausapin.

Eh nasa studio ng DZBB si Arnold Clavio. Nang malamang nasa Mindano raw si Marcos, inaalam kung saan sa Mindanao dahil gusto niyang makausap pero bigo rin siya.

Para-paraan din ang ilang presidentables, huh!

Jillian, isa sa most followed kapuso sa FB

Super milyonarya na rin sa followers sa Facebook ang Prima Donnas 2 star na si Jullian Ward!

Imagine, sa loob ng isang taon, umabot na sa 16 million ang followers ni Jillian sa FB, huh! Siya ang isa ngayon ang most followed Kapuso artist sa FB.

“Thank you for 16M Face Book followers in only one year. Love you all so deep!” caption ni Jullian sa kanyang Instagram.

Show comments