Jessica, reyna nung weekend

Jessica
STAR/ File

Most-watched TV program noong weekend ang The Jessica Soho Presidential Interviews matapos itong makakuha ng 16.2 percent people ratings base sa Nielsen Phils. TV Audience Measurement overnight Urban Philippines data.

Sinuportahan din ng advertisers ang nasabing Eleksyon 2022 TV special ng GMA News and Public Affairs at bahagi ng Dapat Totoo advocacy campaign ng network.

Naging mainit nga ang usapin ang The Jessica Soho Presidential Interviews online. Ang opisyal na hashtag nito (#JessicaSohoInterviews) ay nanguna sa trending topics ng Twitter. Nanatili itong top trending topic hanggang Linggo at muling pumasok sa listahan noong Lunes ng umaga.

Sa Facebook, pumalo sa higit 4.1 milyon ang naging engagement nito habang may mahigit 3.6 million views ang livestream nito sa iba’t ibang GMA channels at pages. Humatak din ito ng libu-libong viewers sa TikTok.

Nanguna rin ang livestream nito sa YouTube at nitong Enero 26, may higit 6 milyong views na ang nasabing video. Top trending video rin ito sa platform pagkatapos ng livestream nito.

Inimbitahan ng The Jessica Soho Presidential Interviews ang limang nangungunang presidential aspirants base sa latest surveys. Apat ang tumanggap ng imbitasyon: sina Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, at Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo.

Sa kasalukuyan ay ang interview ng King of Talk Boy Abunda ang inaabangan ng bayan.

Nauna na niyang nainterview sina presidential aspirants Sen. Ping Lacson, Bongbong Marcos and VP Leni Robredo.

At grabe rin ang trending kagabi ni tito Boy at VP Leni.

At iba’t iba rin ang naging reaction ng mga manonood sa nasabing interview.

Show comments