^

PSN Showbiz

Sen. Bong, napahanga kay Rabiya

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong, napahanga kay Rabiya
Bong, Rabiya at Betong.

Puring-puri ni Sen. Bong Revilla si Rabiya Mateo na partner niya ngayon sa book two ng Agimat ng Agila. Nakapag-tape na silang dalawa at nagulat siya dahil talagang nakita raw niya sa Ilonggang beauty queen ang passion sa bagong career na pinasok niya. “Ang galing niya. Marunong siya sa mga action scenes, tapos ang mata niya napaka-expressive, nakakaarte,” puri sa kanya ni Sen. Bong.

Ang suwerte nga raw niya dahil okay din ang feedback sa tambalan nila ni Sanya Lopez, at  magaling din ang nadagdag sa cast na si Rabiya.

Ang isa pa sa isinama sa pamilya ng Agimat ng Agila ay ang Binibining Pilipinas-Universe na si MJ Lastimosa.

Maganda rin daw ang role ni MJ, kaya ang saya lang daw sa set dahil wala silang problema sa co-stars niya.

Kinarir din ni Sen. Bong ang book two ng Agimat ng Agila, kaya puspusan ang ensayo niya sa kanyang gym.

Ang dami ngang natuwa nang ipinost niya ang kuha niyang naka-topless dahil na-achieve niya ang tamang timbang at trimmed na rin ang katawan. Talagang nakipagkumpetensya rin si Sen. Bong ng pa-abs sa hunk actors.

Katips, ayaw mabahiran ng pulitika

Tinatanggihan ni direk Vince Tanada ang alok ng ibang partido na magpa-block screening ng musical film niyang Katips.

Ang Katips ay tumatalakay sa nangyari nung Martial Law na umabot hanggang sa EDSA Revolution nung 1986.

Ang kaibahan lang nito ay musical na parang nanonood ka pa rin ng isang musical play na ini-stage niya ng writer, director at producer nito na si Atty. Vince Tanada.

Ayon kay Atty. Vince, ilang grupo na raw ng maka-VP Leni Robredo ang kumausap sa kanya na mag-sponsor sila ng block screening, tumatanggi siya dahil ayaw naman daw niyang mabahiran ito ng pulitika. “Siguro nakadepende na lang kung paano n’yo ma-interpret ang ginagawa ko na sining,” pakli ni direk Vince.

“Sa palagay ko… ako mismo, hindi lang ‘yan adbokasiya sa paggamit ko sa eleksyon. Kaya nga I am trying my best na mag-no dun sa napakaraming Leni groups na they want me to utilize this form of art para sa indirect campaigning,”  pahayag pa niya.

“This is not the yellow or the red. Kundi ito ay para sa mga nabiktima ng Martial Law na talagang nakausap namin. Ako mismo ay pamilya rin ng nabiktima.

“Ito, ang mga tauhan dito, inspirasyon ito ng mga biktimang nakausap namin eh, na sayang nga tatlo na ang namatay dahil sa pandemic. Tatlo na ang namatay na mga Claimants 1081,” sabi pa ni direk Vince Tanada.

Bukod kay direk Vince, tampok din sa pelikulang ito sina Jerome Ponce, Mon Confiado, Dexter Doria, Joshua Bulot, Patricia Ysmael, Johnrey Rivas at Nicole Laurel Asensio.

Wala pa silang naiisip na playdate ng theatrical showing dahil balak daw nilang isali ito sa Berlin International Film Festival.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with