Bashers ni Derek, tameme sa kasal nila ni Ellen

Derek.

Tameme na ang mga basher ni Derek Ramsay ngayong ikinasal na siya kay Ellen Adarna last Nov. 11 sa Rancho Bernardo sa Bagac, Bataan.

Eh sa simula kasi ng relasyon nina Derek at Ellen, marami na ang nag-aabang na mauuwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila.

But Derek proved them all wrong! Mag-asawa na sila ni Ellen.

Kung naging pribado ang kasalang Derek at Ellen, nagsama-sama naman sina Mayor Sara Duterte, Bongbong Marcos at presidential candidate Bato dela Rosa sa kasal ng anak ni senator Bong Revilla, Jr. na si Gianna kay Jed Patricio.

Handa na kayang sumabak sa trabaho si Derek ngayong tapos na ang kasal nila?

Heart, malaking tulong sa mister

Malaking tulong sa kandidatura ni Sorsogon Governor Chiz Escudero ang pagbabalik sa TV series ng asawa niyang si Heart Evangelista.

Sa Sorsogon kinunan ang series at sa TV plug, makikita ang magagandang lugar sa Sorsogon.

Unang series naman ito sa Kapuso ni Richard Yap at kasama rin dito si Paolo Contis.

Mahiwaga ang naglalabasang isyu kay Heart na last series na niya raw ito?

Bakit naman?

Show comments