^

PSN Showbiz

Richard Yap, haharapin ang ‘anak sa labas’ sa korte

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Richard Yap, haharapin ang âanak sa labasâ sa korte
Richard Yap.

Nakahanda raw sumailalim sa DNA test si Joshua Paolo Jansen ng Bacoor, Cavite, para patunayan na siya nga ay anak ng actor na si Richard Yap. Nagsampa rin siya ng kaso sa RTC sa Cebu para pilitin ang actor na kilalanin siya bilang anak noon.

Sinabi niyang matagal na siyang nakikipag-ugnayan sa actor, sa asawa noon at maging sa isang anak noon gamit ang social media pero hindi siya pinapansin. Pinuntahan na rin daw niya iyon sa ABS-CBN kasama ang nanay niya at lola pero hindi sila pinapasok.

Sa panig naman ng actor, ikinaila niyang kilala niya si Jansen o sino mang may kaugnayan doon. Hindi naman daw siya nanirahan sa Bacoor at iyong bata naman at maging ang ina ay hindi naman nanirahan sa Cebu.

Sa Cebu talagang lumaki at nagkaroon ng negosyo si Richard Yap, at dumarayo lang siya sa Maynila noong makuha na nga siyang artista. Pero nananatili siyang residente ng Cebu. Ang suspetsa ni Yap, may bahid ng pulitika ang kasong isinampa noong Oktubre 28 sa Cebu RTC, dahil mga ilang linggo bago iyon ay may narinig na sila mula sa kampo ng kanilang mga kalaban na diumano ay may nakita silang illegitimate child ni Yap na nakahandang magsampa ng demanda.

Payag din diumano si Yap sa isang DNA test para matapos na ang lahat, pero may peligro pa rin iyan dahil maaari ngang i-delay ang resulta ng DNA test na sinasabing isinasagawa pa sa US, at masasaktan pa rin ang ambisyong political ni Yap.

Sinabi naman ng mga abogado ni Yap na nakahanda silang harapin ang kaso at magbigay ng opisyal na statement oras na makatanggap na sila ng kopya ng reklamo at abiso mula sa korte.

Hanggang ngayon naman ay wala pang natatanggap na kopya ng reklamo si Yap, dahil siguro sa holidays at sa mga delay din ng korte dahil sa COVID-19.

May mga impormante kaming nakakakilala nang personal kay Yap noon pa man na nagsabi sa amin na imposibleng magkaroon iyon ng anak sa labas, at sa Bacoor pa. Pero kung magkakaharap na nga sila sa korte, kapwa sila maghaharap ng mga ebidensiya at ang korte ang makapagsasabi kung ano nga ang totoo.

Pagbubuntis, ’di natunugan!

Maraming tuwang-tuwa, hindi dahil sa kanilang ibinalita, kundi dahil hindi raw natunugan ng mga Marites na nagbuntis at nanganak si Elisse Joson. Lumabas lang iyon nang dumalaw sila sa Pinoy Big Brother house upang kausapin si Kuya at kuning ninong ng kanilang anak. Hindi ninong sa kasal ha, kaya hindi rin maliwanag kung nagpakasal na nga ba sila, o wala pa silang planong pakasal.

Ginagawa na nilang outlet ng revelations ang PBB. Hindi na matatawag na pagkakataon iyan, pre-arranged na lahat iyan para sila mapag-usapan, mapansin at tumaas ang ratings. Sa natatandaan namin, talagang pinagkaguluhan lang sila noong “batch 1” kung saan sumikat si Sam Milby. Napag-usa­pan, pero hindi rin naman sila pinatulan noong aminin ni Rustom Padilla na bakla nga siya sa show. Matagal na kasing usapan iyon.

Iyan namang pagkakaroon ng anak nina McCoy de Leon at Elisse Joson, ano ba ang controversy? Magsyota sila. Nagkaroon ng “time together,” nabuntis at nanganak iyong babae, hindi ba normal lang naman iyon?

Panggagamit sa mga nag-aambisyong mag-artista, luma na

Todo los Santos, todo rin ang tsismis. Nakakuwentuhan namin ang isang nag-ambisyon ding maging actor. Naka-extra daw naman siya sa pelikula, at nakalabas na rin sa ibang serye sa telebisyon.

Kagaya rin ng usual story, napaglaruan siya ng mga bading na network executive. Minsan daw kinunan pa siya ng sex video, at ang kapalit diumano ay mas maraming assignment sa telebisyon, na hindi naman nangyari. Eh bakit naman kasi sa pangakong pasisikatin “isinuko na niya agad ang Bataan, at pati Corregidor pa”?

RICHARD YAP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with