_ngayon
^

PSN Showbiz

Sharon, mahirap ang kalagayan!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Sigurado na hindi malaman ni Sharon Cuneta ang gagawing desisyon sa eleksiyon.

Ang hirap ng kalagayan niya dahil parehong malapit sa puso niya ang maglalaban, sina Tito Sotto at Francis Pangilinan.

Pero tiyak naman maiintindihan ng dalawa kung ano magiging desisyon ni Sharon, dahil alam nila na pareho silang mahal nito at hindi sila papayag na maging dahilan para magulo at maging problema ng megastar.

Isang araw lang ang election, lifetime ang pagsasamahan nila bilang pamilya. Whoever wins karangalan ni Sharon dahil pareho niyang mahal. Kaya huwag siyang masyadong maging emotional, pareho naman niyang puwedeng tulungan at ipagdasal. VP Tito o VP Kiko, sino choice n’yo?

Jo In-Sung kakaperanggot ang role sa isang K drama

Sabi ni Lynette Baldivino na naka-merienda cena ko last Tuesday, bakit daw hindi ko isinulat ang K drama na Dear Friends kung saan nagustuhan niya si Jo In-Sung.

Naku, konti lang eksena dun ni Jo In-Sung noh. Istorya iyon ng mga old friends na meron pa rin konek sa isa’t isa hanggang tumanda sila.

Maganda ang concept, iyon friendship thru the years. At iyon love mo sa nanay mo na kahit i-give up mo na iyon BF mo dahil gusto mong alagaan ang nanay mong may sakit dahil nag-iisa kang anak. At iyon naman concern ng isang ina na baka hindi maalagaan ng magiging asawa niya ang kanyang anak na babae.  Ang touching sa story iyon connection ng magkakaibigan na hindi nawala hanggang ng tumanda sila.

Ang sarap panoorin iyon emotional attachment nila sa bawat isa na hindi nawala kahit pa nga matatanda na sila. Sabi ko nga kay Lynette, hindi ko masyado type kasi parang konti lang mga eksena ni Jo In-Sung at na-paralyze pa siya sa kuwento.

Pero in fairness, pogi siya rito at kahit konti lang eksena, bongga pa rin.

SHARON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with