^

PSN Showbiz

Ivana gustong makilala si Joshua, naka-dm na sa IG!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana gustong makilala si Joshua, naka-dm na sa IG!
Ivana
STAR/ File

Aminado si Ivana Alawi na malaki ang kanyang paghanga kay Joshua Garcia. Nagkapalitan din daw ng mga mensahe ang dalawa kamakailan sa pamamagitan ng direct message sa Instagram. “Cute ‘yung mukha at mabait siya. Nakita ko parang family oriented. Pero hindi ko masabi kasi di ko pa siya name-meet personally,” pahayag ni Ivana sa YouTube channel ni Ogie Diaz.

Sa ngayon ay wala pa raw personal contact number ng aktor ang dalaga. Hindi pa rin alam ng sexy actress kung saan hahantong ang kanyang paghanga kay Joshua. Matatandaang si Julia Barretto pa ang huling naging kasintahan ni Joshua at ngayon ay wala pang bagong karelasyon ang aktor.

Posible kayang magkamabutihan sina Ivana at Joshua?  “Hindi pa naman kami ganoong level, friends, oo. Ay! Itanong n’yo na lang siya. Gusto  ko kasing makilala muna siya,” giit ng sexy actress.

Kung sakaling may manliligaw ay hindi muna raw isasapubliko ni Ivana ang tungkol dito. Bilang isang sikat na vlogger ay sisiguraduhin muna raw ng dalaga ang lalaking kanyang mamahalin bago ipakita sa kanyang video blogs. “I think, para sa akin, hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda, may manliligaw, iba-vlog mo kaagad. It should be kept private and special. Parang ayaw ko namang iharap kaagad ‘yung kamera sa kanya. Not just to Joshua, but sa mga nanliligaw or manliligaw. Ayaw ko naman na iba-vlog ko lahat. Unless super sure na, sigurado na ako sa tao na ‘yon, ipapakita ko. Ayaw ko kasi na ipapakita ko, ‘Ito si ano…’ tapos maghihiwalay, ano? Idi-delete ko ‘yung video, ayaw ko ng gano’n. Kung anong nasa Youtube (channel) ko, walang delete-an. Gusto ko kung sino ang ipapakita ko, ‘yon na ‘yung magiging asawa ko,” nakangiting paliwanag ng dalaga.

Zanjoe, ginalingan ang pangangaliwa sa asawa

Sinisiguro ni Zanjoe Marudo na talagang kaiinisan siya ng mga manonood dahil sa kanyang karakter bilang si David sa The Broken Marriage Vow. Kasama ng aktor sa bagong teleserye sina Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez. “Maaasar kayo sa akin, maaasar talaga kayo sa ‘kin dito sa show na ‘to,” bungad ni Zanjoe.

Gumaganap bilang mag-asawa sina Zanjoe at Jodi sa bagong proyekto. Mapapaibig din ang aktor sa mas batang karakter naman na si Lexy na ginagampanan ni Sue.

Para kay Zanjoe ay kailangan lamang niyang gawing makatotohanan ang pangangaliwa sa asawa para maganda ang kalabasan ng bagong programa. “Talagang gagawin ko ‘yung best ko para kahit paano, maintindihan ng audience kung bakit may gano’ng klaseng tao. Kung bakit napupunta siya sa gano’ng sitwasyon, kung bakit ka nagmamahal ng dalawang babae. Alam kong mali, alam kong hindi siya tama dahil may mga natatapakan, may mga nasasaktan. Pero sana sa show na ‘yo, maipaliwanag kung bakit napupunta sa gano’ng sitwasyon ang tao. babae man ‘yan o lalaki,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with