Angeline, laging nasa tabi ni Erik!

Erik at Angeline
STAR/ File

Noong Linggo ay ipinagdiwang ni Erik Santos ang kanyang ika-tatlumpu’t siyam na kaarawan sa ASAP Natin ‘To. Masayang-masaya ang singer sa na­ging selebrasyon ng kanyang espesyal na araw sa naturang programa. “Maraming salamat for celebrating my birthday this way. I would like to thank my dear icons, Kuya Ogie (Alcasid), Ate Reg (Velasquez), Miss Zsa Zsa (Padilla). I miss you Kuya Gary (Valenciano), Kuya Martin (Nievera) and Sarah (Geronimo). You have no idea how happy and grateful I am whenever I perform with you guys every Sunday. Maraming salamat sa pagbibigay n’yo sa akin ng pagkakataon na makasama at makatrabaho kayo,” emosyonal na pahayag ni Erik.

Nagbigay rin ng mensahe para sa singer si Angeline Quinto.

Matatandaang nagkaroon ng espesyal na ugnayan sina Erik at Angeline ilang taon na ang nakalilipas. “Gusto ko lang ipagmalaki sa lahat ng tao na napakaraming mahahalagang pangyayari sa buhay ko na ikaw ‘yung kasama ko. Si Erik ‘yung isa sa mga taong nakakaalam ng lahat ng tungkol sa akin. Alam mo kung gaano kita kamahal. Alam mo kung gaano ko iniingatan kung ano ‘yung meron tayo. Katulad ng lagi kong sinasabi ko sa ‘yo, ang dami kong pangarap na natupad na ikaw ‘yung kasama ko. Sana lahat ng mga pangarap mo pa ay matupad at sobra akong excited na ma-witness pa lahat ‘yon. Alam ko kung gaano mo kamahal ‘yung family mo at nandito lang ako lagi para sa iyo. We love you, Erik,” makahulugang paglalahad ni Angeline.

Julia, tanggap na mas mahusay na aktres ang tiyahing si claudine kesa sa kanya

Nakilala bilang isang magaling na aktres si Claudine Barretto dahil sa maraming mga teleserye at pelikula ang nagawa noon. Para sa pamangkin ng aktres na si Julia Barretto ay hindi siya nakamana ng galing mula sa kanyang tiyahin. “Nakuha? Naku, siguro wala kasi nag-iisa lang siya eh,” bungad ni Julia.

Simula pagkabata ay nasusubaybayan na raw ng aktres si Claudine bilang isang dekalidad na artista. “Napakahusay niya, and growing up I’ve been always vocal about this. I have always been a fan of her and her work, of her projects and I really looked up to her growing up as an actress. Pero again, siguro when it comes to our craft, iba. We’re different because again, iba siya. Iba talaga siyang umarte,” giit ng dalaga.

Para kay Julia ay ginagawa lamang niya ang lahat ng makakaya sa lahat ng mga proyekto. “I try my best every day and every time I’m given the opportunity. And I always try to be at my best and perform and deliver. I just want everybody around me proud and everybody who trusts me with the projects proud. I think that’s always been the goal, to help breathe life into the character that I’m given,” pagtatapos ng aktres.

(Reports from JCC)

Show comments