Raymund Isaac, pumanaw din sa COVID habang nasa Amerika

Raymund

Napa-sh-t ang ibang malalapit na kaibigan ng ace photographer na si Raymund Isaac matapos itong pumanaw dahil sa COVID-19. Sa Amerika siya nahawa ng virus at matagal na-hospital doon.

Isa si Aga Muhlach sa mga naunang nagpaabot ng pakikiramay sa mahusay na photographer. “No words. My dear friend Raymund Isaac!!! Gone too soon! Rest In Peace. Ang sakit sakit…. Jayson Vicente pls accept our sincerest condolences. I’m just a phone call away. Kapit lang pls.”

Si Jayson Vicente ang partner ni Raymund na nag-a update sa pinagdaanan ni Raymund.

July 24 nang manghingi pa ng prayers si Raymund matapos siyang i-rush sa SanFo hospital. Base sa kanyang social media posting, vaccinated si Raymund.

RIP, Raymund.

Show comments