Yen, suwerte sa career

Yen.

MANILA, Philippines — Aww palabas na pala agad sa Netflix ang ginawang pelikula nina Paolo Contis and Yen Santos na sa Faroe Islands pa nag-shooting.

Ang ganda pala dun.

Susundan nito ang kuwento ng isang married Pinay na may anak at ng isang reporter na kasama ang life story ni Yen sa napili niyang i-document.

Ginampanan nila ang papel nina Mahjoy and Nico.

Pandemic na nag-shooting ang A Faraway Land pero dahil sa pandemya hindi na ito naipalabas sa mga sinehan.

Pero ang suwerte ni Yen. Bago ang A Faraway Land, nauna na niyang ginawa ang Northern Lights: A Journey to Love with Piolo Pascual.

Btw, nasaan na kaya si Yen? True kaya na in love siya sa isang madatung?

Show comments