^

PSN Showbiz

Gerald at Julia, may titigan nang bakunahan!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gerald at Julia, may titigan nang bakunahan!
Gerald at Julia

MANILA, Philippines — Nabakunahan na rin pala sina Gerald Anderson at Julia Barretto, hindi lang nabanggit kung saan vaccination hub pumunta ang dalawa. Twinning pa nga sina Julia at Gerald dahil parehong black t-shirt ang suot at parehong may suot na cap.

Kahit sa pagpapabakuna, sweet sina Gerald at Julia dahil habang binabakunahan, nakahawak si Julia sa kamay ng boyfriend dahil nenerbyos siguro. Bukod sa holding hands na, nagtititigan pa sila na kinakiligan ng kanilang fans. Napa-“sana ol” ang fans, sana raw may ka-holding hands at katitigan din sila habang sila’y binabakunahan.

Nega nga lang ang dating sa bashers nina Gerald at Julia. Pabebe raw ito, kung tutuusin, hindi naman daw masakit ang bakuna.

Marami naman ang nagtanggol kay Julia, iba-iba raw ang tolerance ng tao sa pain at kahit bakuna lang ‘yan, masakit pa rin para sa ibang tao. Ipagre-react naman ng ex-GFs ni Gerald sa comment ng isa pang netizen na love talaga ni Gerald si Julia dahil hindi siya sweet sa kanyang mga ex.

Rita, natutula kay ken

Sabi nina Ken Chan at Rita Daniela, wala silang nararamdamang inggit sa kapwa nila Kapuso stars dahil sa ganda ng Ang Dalawang Ikaw, ang bagong Afternoon Prime series ng GMA-7 na kanilang pinagbibidahan. In fact, kino-congratulate pa sila ng co-artists nila sa GMA.

Binanggit ng dalawa ang mga nagti-text sa kanila para sila’y i-­congratulate, ang biro ng press, hindi lang ipinahalata ng ibang Kapuso stars na sila’y naiinggit sa drama series nila na mapapanood  simula bukas, Lunes, 2:30pm. pagkatapos ng Eat Bulaga.

Mag-asawa ang role nina Ken at Rita sa Ang Dalawang Ikaw at ang rami nilang mga kissing scene, love scene, bed scene at make out scene. Mabuti at komportable na ang dalawa sa isa’t isa at best friends sila, kaya maayos na nagagawa ang maseselang eksena na hindi na sila kailangan pang pilitin.

Hindi lang ang husay umarte ni Ken ang mapapansin sa drama series, pati na rin si Rita at sabi nga nito, kapag nakita niyang mahusay si Ken sa eksena, ginagalingan niya rin para hindi siya maiwan ng kapareha.

Aminado si Rita na kung mahusay si Ken sa una nilang ginawang serye, mas mahusay ang aktor dito. May mga eksena raw si Ken na pinapanood niya at minsan, nakalilimutan niyang kasama siya sa cast, natutulala siya sa husay.

Gladys, mas natakot sa swab kesa bakuna

Nabakunahan na ang mag-asawang Gladys Reyes at asawang si Christopher Roxas at sa napanood naming video, mas takot sa bakuna si Christopher. Si Gladys, napa-“ang sakit” lang, pero si Christopher, natagalan bago maturukan ng Astra, ang daming try bago natuloy mabakunahan.

Mas takot si Gladys sa swab test na first time niyang ginawa at dahil kailangan para sa pagsisimula sa lock-in taping ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento. Sabi ni Gladys, “My first swab test... sharing my first experience in RT-PCR swab before we shoot for our new show. Been avoiding swab, thinking it is painful and so uncomfortable. I guess, I’m wrong, it wasn’t traumatic. This time of pandemic, swab is inevitable.”

Hindi pa sinasabi kung ano ang role at karakter ni Gladys sa Unang Kuwento, pati na rin ang role nina Pokwang at ang ibang cast. 

                                                                                    

 

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with