^

PSN Showbiz

Tignan: Maiinit na tagpo sa new movie nina Sharon Cuneta, Marco Gumabao

Philstar.com
Tignan: Maiinit na tagpo sa new movie nina Sharon Cuneta, Marco Gumabao
Ilang movie stills mula sa pararating na pelikulang "Revirginized" na pagtatambalan nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao
Mula sa Instagram account ni Sharon Cuneta

MANILA, Philippines — Gumagawa ngayon ng ingay sa social media si "Megastar" Sharon Cuneta matapos ipasilip ang ilang eksena sa paparating niyang pelikula sa Agosto — at oo, ito na ata ang most daring role niya so far.

Sa kanyang Instagram posts nitong Linggo, ipinasilip ng 55-anyos ang ilang movie stills sa pelikula niyang "Revirginized," kung saan binibigyan niya ng "body shot" ang 26-anyos na si Marco Gumabao.

"OMG I have NEVER done this in real life (I don’t drink Tequila or anything else with alcohol! Hahahahaha!)," wika ni Mega sa IG.

"Nahilo ako! Ganito pala itchura natin dun hahahahaha!"

Tumutukoy ang body shot sa pagkonsumo ng alak matapos dilaan ang asin sa katawan ng iba, bagay na sinusundan ng pagkain ng lime sa bibig ng nabanggit na tao.

 

 

Una nang sinabi ni Sharon sa kanyang vlog noong Abril na tungkol ang pelikula sa transpormasyong sa buhay ng isang malungkot na babae, bagay na mangyayari raw sa loob lang ng isang weekend.

"It's nice. It's a coming of age movie in many different contexts," sabay tawa ng beteranang singer-actress noon.

"I'm very excited. Parang... I think I've earned the right after four decades to experiment and to do movies that are not really the kind of movies that my audience is used to seeing me in."

Agosto 2021 nakatakdang ipalabas sa streaming platform na Viva Max ang naturang pelikula, bagay na dinirek ng kontrobersyal na si Daryll Yap.

Direk Yap at kontrobersiya

Matatandaang si Yap ang nasa likod ng movies gaya ng "Tililing," na nabatikos na noon dahil sa portrayal nito ng mga may mental health problems.

Nabanatan na rin ang paparating niyang pelikulang "Gluta" dahil sa paggamit ng "blackface," o sadyang pagpapaitim sa mga aktor o aktres kaysa gumamit ng mga pambansang minorya gaya ng mga aeta sa parehong roles.

Taong 2020 naman nang sagutin ni Yap ang ilang akusasyon ng pagiging "pedophile" at "groomer" ng mga menor de edad, bagay na kanyang itinatanggi.

 

 

— James Relativo

vuukle comment

MARCO GUMABAO

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with