_ngayon
^

PSN Showbiz

Bong, pahinga na sa pulitika

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, pahinga na sa pulitika
Bong

Ayaw na raw tumakbo ni Bong Revilla. Ang kakandidato ay si Jolo Revilla na tapos na ang termino as Vice Governor ng Cavite at sa Congress naman balak pumasok.

Siguro tulad ni Alfred Vargas, med­yo napagod din sa pulitika si Bong at ang haharapin na lang muna ay ang TV at movies. Pero tiyak namang magiging busy siya dahil aalalayan niya ang pagtakbo ni Jolo. Kung nakita mo noong bata pa si Jolo at makita mo ngayon pati sa pagsasalita, ang laki talaga ng pagbabago.

Ibang-iba, talagang nag-mature siya dahil na rin sa bagong career na pinasok niya. Nasa puso niya talaga ang pagtulong dahil bata pa siya nakita na niya ‘yung mga problema sa Cavite. His maturity and wisdom talagang doon niya nakuha sa pag-immersed sa trabaho niya.

Tunay na napanday ng panahon si Jolo. At palagay ko sa ipinakita niyang trabaho bilang Vice Governor, madali na para sa kanya ang pumasok sa ibang sentro pa ng pulitika. Mayor

Vico, parang rock star ang dating

Parang ang lakas ng pressure talaga kay Mayor Vico Sotto na halos lahat humahanga sa pagiging leader niya. Kahit si Dingdong Dantes talagang nagsabi na hanga siya sa ipinakita ni Mayor Vico na trabaho para sa Pasig. Dahil nga si­guro naging idol ng mga kabataan, pressured talaga na magpakitang gilas si Mayor Vico.

Palagay ko proud na proud ang father niyang si Vic Sotto sa naging career ng anak niya. At dapat talagang ipagmalaki ng pamilya Sotto na heto ang isang family member na idol ngayon ng mga kabataan.

Magiging malaking tulong kay Sen. Tito Sotto ang presence ni Mayor Vico sa anumang puntahan niyang lugar, dahil parang rock star na ang tingin ng lahat sa kanyang pamangkin.

Bongga ang Kuya Vico ni Talitha ha, proud na proud talaga siya ‘pag karga siya nito. Parang now pa lang, feel na ni Talitha na pupunta siya ng Malacañang ha, bongga!!

BONG REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with