^

PSN Showbiz

Cong. Alfred excited na sa private life!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Cong. Alfred excited na sa private life!
Alfred Vargas

Pagbabu sa pulitika, sure na sure na

Nakatakdang gampanan ng actor-politician na si Alfred Vargas ang isang espesyal na role sa upcoming cultural drama series ng GMA na Legal Wives.

Gaganap si Alfred bilang si Naseer Macadato, ang kapatid ni Ismael na bibigyang-buhay naman ni Dennis Trillo. Si Naseer din ang unang asawa ni Amirah (Alice Dixson) na siya ring asawa ni Ismael.

Ang Legal Wives ay tungkol sa isang lalaking Mranaw na si Ismael na may tatlong magkakaibang babae na pakakasalan para sa iba’t ibang dahilan. Bukod kay Alice, kasama rin sina Andrea Torres at Bianca Umali sa tatlong asawa ni Dennis sa serye.

Samantala, kapansin-pansin naman ang magandang bonding ng cast mula sa mga litrato na ipinasilip ni Alfred sa kanilang lock-in taping. Makikitang kasama niya sina Dennis, Al Tantay, Bernard Palanca, pati si Shayne Sava na gaganap bilang anak niyang si Jamilah.

“Macadato Family,” ani Alfred sa caption ng kanyang Instagram post.

Kasama rin ni Alfred sina Dennis, Bernard, Kiko Matos, at Kevin Santos na nagbisikleta sa resort kung saan sila kasalukuyang naka-lock-in taping noong day off nila.

Nauna nang kinumpirma ni Cong. Alfred na pahinga na siya sa pulitika sa 2022.

Ang kapatid niya si PM Vargas na kasalukuyang councilor ang magpapatuloy sa kanyang mga nasimulan.

“I’m looking forward to going back to my private life and do acting, producing, and attend to my businesses after my term,” reply ni Cong. Alfred.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with