Cesar, hindi na naalala ni Diego!

Itsa-puwera talaga si Cesar Montano sa mga taong pinasalamatan ni Diego Loyzaga sa kanyang 26th  birthday. Si Cesar ang father ni Diego.

Inisa-isa ni Diego ng pinasalamatan at nangunguna ang mother niyang si Teresa Loyzaga. Kasama rin ang tita niyang si Bing Loyzaga, mga pinsan at iba pa.

Kasama rin sa pinasalamatan niya si Barbie Imperial.

Matindi talaga ang nangyari sa mag-amamg Cesar at Diego, huh!

Lovi, sa amerika muna

Hindi pala throwback fotos na nasa America si Lovi Poe.

Nandun pa talaga si Lovi papuntang Los Angeles upang bisitahin ang boyfriend na si Monty Blencowe.

Last April 2021 lumipad si Lovi sa LA para magbakasyon. US based ang kanyang boyfriend at may date nights din sila.

Nakabisita rin ang aktres sa Hollywood Walk of Fame.

Magtatapos na rin kasi ang kinabibilangang series ni Lovi na Owe My Love kaya wala siyang iniintinding trabaho.

Eh pagbalik kaya niya sa bansa, mag-renew na siya ng kontrata sa GMA Network?

Baka sa States na muna si Lovi upang subukan ang mundo ng showbiz doon dahil may kuneksyon din ang BF niya, huh!

Show comments