Ika-2 baby nina Neri Naig, Chito Miranda kumpirmadong paparating na

Kitang ipinakikita ng aktres na si Neri Naig ang kanyang "baby bump" sa tabing dagat kasama ang mister at Paryokya ni Edgar vocalist Chito Miranda
Mula sa Instagram account ni Chito Miranda

MANILA, Philippines — Excited na ang mag-asawang sina Neri Naig at bokalistang si Chito Miranda para sa ikalawa nilang anak, bagay na kanilang ipinasilip habang nasa Pico de Loro Beach sa Nasugbu, Batangas.

Isinabay ng aktres at Parokya ni Edgar frontman ang anunsyo habang "Mother's Day" nitong Linggo.

"Happy Mother's Day. See you soon, our bunso," ani Neri habang ipinakikita ang kanyang baby bump sa tabing-dagat kahapon.

 

 

Ganyan din naman ang pagkasabik ni Chito, na magiging second-time dad sa kanyang misis.

Nagbiro pa nga ang bokalista nang pumosing sa tabi ng asawa habang ipinakikita ang sariling tiyan, pero giit niya malaki lang ito dahil "busog" siya.

"Si Neri, magiging mommy na ulit...and again, 'walaaaaang tulugaaaan!!!'" ani Chito kahapon.

"Pero sa totoo, excited na excited na ko hehe!"

Sinorpresa din nina Chito at anak na si Miggy si Neri kahapon, kung saan kamuntikan pa raw mahulog ang dala nilang cake.

 

 

Matatandaang ipinanganak si Miggy taong 2016, halos isang taon matapos makunan sa una nilang anak.

Taong 2014 nang magpakasal ang dalawa sa Lungsod ng Taguig, bagay na nasundan pa ng ikalawang kasal sa Tagaytay.

Show comments