Kris at Bimby sa may golf course nakatira
Ahh ang ganda rin ng lugar na tinitirhan ngayon nila Kris Aquino.
May golf course at sobrang kumpleto ang amenities. May mga villa sa lugar at talagang nature na nature ang paligid nito. Puwede siyang mamili kung saan niya gustong matulog.
By the way, binigyan ng special 24th birthday surprise ni Kris ang tinuturing niyang anak na si Miles Ocampo sa nasabing lugar na nasa isang probinsya na malapit lang sa Manila.
Pero may bilin siya rito : “Twenty-four naging nanay ako. Utang na loob ‘wag mo ‘kong gayahin. Please,” sabi ni Kris kay Miles na agad naman nag-yes.
“Mag-aral. Kasi lahat po ng videos that we put out doon sa interview with Bimb, she edited that. And so she really has an eye, so I feel that it will start with editing and I know that she could become one of the really good directors kasi she started as a child actress. So dapat ipagpatuloy niya ‘yun,” dagdag pa ni Kris.
- Latest