^

PSN Showbiz

Judy Ann, ‘di mapilit bumalik sa taping

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Judy Ann, �di mapilit bumalik sa taping
Judy Ann
STAR/ File

Wala pang pina-finalize ang Kapamilya Channel pero may mga pinag-uusapan na kung sino ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Doctor Foster.

Nag-hit ang Korean adaptation nito na The World of the Married na ikinaloka ng mga mahihilig sa K-drama.

Sana maganda rin ang kalalabasan nito na baka ididirek daw ni Connie Macatuno.

Ang unang napabalita ay inalok daw ito kay Judy Ann Santos, pero hesitant pa siyang magtrabaho ngayon dahil sa sitwasyon natin sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Nakikiusap na ang fans ni Judy Ann na sana tanggapin niya ito dahil bagay nga naman talaga sa kanya ang naturang project. Pero mukhang decided na talaga si Juday na hindi muna siya magtrabaho sa ngayon. Kaya ang isa pang malakas na maaaring gumanap nito ay si Jodi Sta. Maria.

Wala pa namang inilabas na official announcement pero maaaring gagawin na nga raw ito ni Jodi.

Si Zanjoe Marudo ang hinuhulaang gaganap na lead actor, pero lumulutang din ang pangalan ni Jericho Rosales.

Kung matutuloy daw ang paglipat ni Lovi Poe sa Kapamilya channel, maaaring siya ang gaganap na mistress sa proyektong ito.

As of presstime, wala pang kinukumpirma ang kampo ni Lovi, at hindi pa rin ako sinasagot ng ilang kinukulit ko sa GMA 7 kung tuloy na ba ang aktres na lisanin ang Kapuso network.

Kung matutuloy daw kasi, maaaring ito nga ang unang project niya sa Kapamilya channel. Pero may naririnig din kaming baka manatili pa raw si Lovi sa GMA 7 dahil may negotiation pa raw sa renewal ng kontrata.

May counter-offer daw kasi ang GMA 7 para hindi na siya matuloy sa pag-alis. Kaya ‘yun ang aabangan natin.

Kung sakaling hindi na nga matutuloy si Lovi sa Doctor Foster, baka kay Sue Ramirez daw iaalok ang role na dapat kay Lovi.

Sen. Bong, feeling suwerte kay Sanya

Ang dami talagang natutuwa sa First Yaya ni Sanya Lopez. Hindi bumababa sa 20 percent ang rating nito gabi-gabi. Noong nakaraang Huwebes na kung saan may pa-red bikini si Sanya, pumalo sa 24.2 percent ang rating nito, at nasa top trending list siya sa YouTube.

Magaganda ang mga komento ng netizens, at sinasabi na nga nilang si Sanya na ang next big star ng GMA 7.

Isa nga sa natutuwa sa kanya ay si Sen. Bong Revilla na aligaga na rin sa promo ng Agimat ng Agila. Ang suwerte nga raw niyang si Sanya ang ibinigay ng GMA 7 na leading lady sa kanyang pagbabalik-TV.

Puring-puri ni Sen. Bong si Sanya na napakabait daw at walang arte sa set. Bagay nga raw kay Sanya ang First Yaya at lalo siyang nagustuhan ng mga tao. Pero ibang-iba naman daw si Sanya dito sa Agimat…, at marami nga ang nagsasabing mas bagay sila at may chemistry silang dalawa rito sa Agimat ng Agila.

Malalaman natin yan dahil sa darating na Sabado, May 1 ng 7:15 ng gabi na magsisimula ang Agimat ng Agila.

GT, tuloy ang pag-ayuda kahit walang community pantry

Hindi na kailangang magpa-Community Pantry ng kaibigan naming si Chemist Pinky Tobiano, dahil mahirap na’t baka hindi ma-control ang pag­dagsa ng mga tao.

Kahapon ay namahagi siya ng ayuda sa Brgy. Katipunan, San Antonio, Quezon City na ikinatuwa ng mga tagaroon dahil ang dami nilang natatanggap.

Bukod sa mga food item na naka-pack, may tig-isang buong manok pa sila at isang tray na itlog. Kaya meron na silang ulam para sa ilang araw, dahil ‘yun naman talaga ang essentials sa panahon ngayon.

Tuluy-tuloy ang pamimigay nila ng ayuda na advocacy ng Grateful Tuesdays. Noong nakaraang April 21 din ay mahigit 150 na mga kabataang kinukup­kop ng SOS Village sa Lipa, Batangas ang pinasaya nila sa mga regalong ibinigay ng Grateful Tuesdays na pinangunahan ni Chemist Pinky, at sa koordinasyon ni Vice Governor Mark Leviste.

Bukod pa sa mga regalo ay pinasaya pa sila ng mga awitin nina Jaya at Moira dela Torre at nagpa-TikTok pa si Chemist Pinky kasama ang co-host niyang si Jaya. Kitang-kita ang sobrang kasiyahan ng mga bata, kaya hindi napigilang maiyak nina Chemist Pinky, Jaya at Moira.

Mapapanood ang tagpong ito sa Grateful Tuesdays, ngayong gabi sa Face­book account ng Cornerstone Entertainment, kay Chemist Pinky Tobiano at sa Kumu channel ng CS Entertainment.

vuukle comment

DOCTOR FOSTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with