Albie hindi takot ma-typecast na bading!

Albie
STAR/ File

Hindi natatakot na ma-typecast sa paggawa ng gay role si Albie Casiño.

Ginagampanan ng aktor ang karakter ni Raymund na isang bading sa teleseryeng Init Sa Magdamag. “Feeling ko kasi I don’t mind accepting like gay roles. ‘Di ako takot sa stigma na ma-typecast ng gay roles because I can do a lot more than just gay roles. Work is work, acting is fun. Natutuwa akong umarte,” paliwanag ni Albie.

Bilang isang artista ay maganda umanong nakagagawa ng iba’t ibang klaseng karakter sa telebisyon man o pelikula. “Kung paulit-ulit lang ‘yung role mo na brusko, lalaki, it gets boring. It’s fun to do a lot of other roles,” giit ng binata.

Ayon kay Albie ay talagang in-enjoy lamang niya ang trabaho sa bagong seryeng pinagbibidahan nina Gerald Anderson, JM de Guzman at Yam Concepcion. Magkaibigan ang mga karakter nina Albie at Yam sa Init Sa Magda­mag. “Nag-enjoy talaga ako sa role na ito kasi parang kami ‘yung comedic relief. Ang bigat kasi ng tina-tackle ng issues ng story. Kami ‘yung naglalabas ng other side ni Rita. But at the same time, ‘di lang kami puro patawa lang. Dadamayan din namin si Rita sa mga pinagdadaanan niya,” pagtatapos ng aktor.

Jeffrey, gustong gumawa ng erotic films

Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency si Jeffrey Hidalgo pagkalipas ng mahigit dalawang dekada.

Unang nakilala bilang miyembro ng Smokey Mountain ang singer noong kanyang kabataan. Bukod sa pagkanta ay nakagawa na rin ng maraming acting projects si Jeffrey. “As a singer, I thought na-reach ko na ‘yung peak. As an actor naman kasi never ko din siyang masyadong kinarir. When I started acting mas naging interesado talaga ako with what was going on behind the camera. But now I am really more open now to more mature roles. ‘Yon talagang totoong mature ha na matanda na ako. And at the same time more offbeat roles. I think mas gusto ko ‘yung ganun, more character roles,” pagbabahagi ni Jeffrey.

Ngayon ay gusto ring ipagpatuloy ng singer-actor ang pagiging isang direktor.

Matatandaang si Jeffrey ang direktor ng pelikulang Silong na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Rhian Ramos noong 2013.

Kung mabibigyang muli ng pagkakataon ay talagang gustong makagawa ni Jeffrey ng erotic films. “Ang dami ko pang gustong gawin as a director. I really wanna direct and hopefully under Viva I can do that. May erotic side din pero more than that it’s also one of the genres that I really enjoy watching. I like the art of it may mga erotic films na bastos, may mga erotic films na artistic. May mga napapanood ako sa Netflix na parang soft porn na, hindi gano’n ‘yung gagawin ko,” paglalahad niya.  (Reports from JCC)

Show comments