Magaling na direktor­naka-intubate sa isang ospital, production designer biglaan din ang pagpanaw!

MANILA, Philippines — Kalungkot naman ang balitang nakarating sa amin tungkol sa isang magaling na director.

Nasa ICU ngayon ang director ayon sa isang kaibigan sa isang ospital sa norte. Naka-intubate na raw siya ngayon.

Minabuti naming huwag nang sabihin ang pangalan niya bilang respeto sa privacy ng pamilya niya.

Samantala, isang kilalang production designer naman ang binawian ng buhay kamakailan. Minabuti naming huwag nang alamin ang dahilan ng pagpanaw niya pero marami ang na-shock sa biglaang pagkamatay ng designer.

Pokwang at Paolo, nagsanib-puwersa sa community pantry

SANIB-PUWERSA ang magkapitbahay na sina Pokwang at Paolo Ballesteros sa pagtatayo ng community pantry sa kanilang lugar sa Antipolo.

Tinawag ni Pokwang na Community Pantry ng Pantry Sisters ang itinayo nila. Kasama rin  nila ang ilan pang kapitbahay sa community pantry.

 “Tagumpay ang aming #communitypantry ng #pantry sisters. Thank you sa mga kapitbahay ko sa pakikiisa at pakikipagtulungan,” caption ni Pokies a picture ng community pantry na nasa isang daanan.

 

Show comments