Jennylyn, napagaling ng albularyo!

Jennylyn

“Yes po, na-experience ko pong magpagamot sa isang faith healer at malaki ang pasasalamat ko kay ‘lolo’ sa paggamot niya sa akin.Taga-Romblon siya pero wala na siya ngayon,” sagot ni Jennylyn Mercado nang tanungin kung may karanasan siya sa faith healer o albularyo.

Pero definitely hindi fake ang napuntahan niyang faith healer dahil gumaling siya.

Naitanong ang tungkol dito dahil gaganap si Jennylyn sa isang intense role habang nakikipaglaban sa sinister spirit sa brand new episode ng Magpakailanman ng GMA 7 na mapapanood ngayong Sabado.

Ayon sa Kapuso aktres, first time niyang gumanap sa ganitong role.  «Ngayon ko lang nagampanan ang ganitong klase na character kaya ito ang pinili ko at very special sa akin ang story. Malapit ‘to sa puso ko kaya sana panoorin ninyo.”

Hindi lang na-mention ni Jennylyn kung anong sakit ang pinagamot niya noon sa fatih healer.

Mapapanood ang actress sa #MPK›s Sa Kamay ng Fake Healer under na dinirek ni Don Michael Perez, this Saturday, after Catch Me Out Philippines on GMA 7.

 

 

Show comments