^

PSN Showbiz

'Salamat': Doris Bigornia sumahimpapawid matapos ang heart surgery

James Relativo - Philstar.com
'Salamat': Doris Bigornia sumahimpapawid matapos ang heart surgery
Kuha ng beteranans broadcaster na si Doris Bigornia, Lunes, matapos uling umere sa kanyang palatuntunan kasunod ng dinaanang operasyon sa puso
Videograb mula sa DZMM Teleradyo

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon matapos ang operasyon sa puso, emosyonal na humarap ang beteranang broadcaster na si Doris Bigornia sa kanyang palatuntunan sa DZMM TeleRadyo para magpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanilang pamilya nitong nagdaang mga buwan.

Dumaan kasi sa "triple heart bypass" ang mamamahayag habang patuloy namang sumasailalim sa regular na dialysis bunsod ng kidney failure.

Pebrero nang ianunsyo ng kanyang "SRO" co-host na si Alvin Elchico na isinugod si Doris sa ospital matapos atakihin sa puso, hanggang sa ilagay na sa intensive care unit (ICU).

"Unang-una [nagpapasalamat] ako sa Diyos sa pangalawang buhay na ito. Sa mga doktor ko," wika ni Doris kahapon habang nakikipagbiruan sa mga co-anchors sa ere.

"Inaamin ko naman na naging pasaway ako, hindi ko inalagaan nang husto ang aking katawan kaya nagkaroon ako ng stage 5 kidney failure at diabetes. Kaya ako dina-dialysis."

Marso lang nang magsimula ng crowd-funding page ang kanyang anak na si Nicole upang humingi ng pinansyal na tulong lalo na't kailangan pa ng P1.5 milyon para sa isa pang operasyon ng "Mutya ng Masa."

Ipinakita rin niya kung saan nakalagay ang ginagamit niya ngayong "pacemaker" para sa puso, tubo, atbp. na ginagamit niya ngayon para manatiling maayos ang pangangatawan.

Sa kabila nito, "BFF" na raw niya ang dialysis dahil ito raw ang sumasalba sa kanyang buhay ngayon.

"Pasalamatan ko rin... ang mga tumulong po at nanalangin na aking mga Kapamilya, sa lahat po ng sulok ng daigdig. Amerika man, Canada, Australia... Europa, talagang lahat sila ay nanalangin para sa akin," wika ni Doris sa kanyang pagbabalik sa "SRO," Lunes.

"'Yung isa sabi niya, 'Sorry po ma'am Doris wala naman po akong pera kaya ipapasa ko na lang po itong panalangin na ito.' Grabe partner, doon ako naiiyak."

Gayunpaman, una na raw siyang sinabihan na mahirap para sa kanya ang umiyak at tumawa ngayon matapos ang pinagdaanang procedures.

Bagama't nakaramdam ng pagod kagabi, tuwang-tuwa naman daw si Doris ayon kay Nikki lalo na't nakabalik na raw sa kanyang programa.

vuukle comment

DORIS BIGORNIA

HEART SURGERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with