^

Female personality na mahilig tumikim, naaktuhan sa ibang lalaki ng karelasyong singer

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 18, 2021 - 12:00am

Sa totoo lang, ang pinakamatinding source ng mga ­impormas­yon, lalo na ng mga lihim ng mga artista ay ang mga dating nagseserbisyo sa kanila.

Isa-isahin natin. Dating alalay. Dating driver. Dating kasambahay. Dating karelasyon. Sila ang madalas na pinanggagalingan ng mga kuwento-kuwento tungkol sa mga kilalang personalidad.

At kadalasan ay pinaniniwalaan sila, walang nagdududa sa kanilang mga istorya, dahil matagal nga nilang nakasama sa isang bubong lang ang personalidad.

Kuwento ng aming source, “’Yung kumakalat na kuwento tungkol sa isang female personality na kung sinu-sinong lalaki ang pinapapasok sa house niya, hindi naman alam ‘yun ng mga taong hindi niya kasama sa bahay, di ba?

“Ang nakakaalam lang nu’n, e, ang mismong mga kasama niya sa bahay. Ano naman ang alam du’n ng mga tao sa labas ng housing authority niya?” unang kuwento ng aming impormante.

Para lang kasing nagpapalit ng damit kung makipagrelasyon nu’n ang female personality na ito. At meron pa siyang kakaibang talent, ang pagsasabay-sabay ng mga karelasyon niya, mahusay siyang humawak ng schedule.

Patuloy ng aming source, “Lahat na yata ng klase ng hotdog, e, natikman na ng girl. Pinoy hotdog, check! Foreign hotdog, check! Hotdog ng bagets, check! Hotdog ng matanda, check pa rin!

“Ganu’n siya katindi nu’ng kasagsagan ng career niya! Wala siyang pina­lalampas, kapag natipuhan niya ang guy, gagawa at gagawa siya ng paraan para magetlak niya!

“Kahit sa mga shows niya sa iba-ibang bansa, e, ganu’n din siya! Naloloka na lang ang mga kasamahan niya dahil nagte-take home siya ng guy sa hotel na tinitirhan ng mga artista!” napapailing pang kuwento ng aming impormante.

‘Yun ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng isang male singer. Sinorpresa nito ang female personality sa biglaang pag-uwi mula sa isang hindi natuloy na show sa probinsiya, pero ang male singer ang nasorpresa-nagulantang sa nasaksihan nito.

Sabi uli ng aming source, “May kasama sa kuwarto ang kanyang girlfriend na parang tatay na lang niya ang edad. Military officer kuno ang lalaki, may sideline pala ang girl!

“Hindi na nakipag-away ang male singer, napatakbo na lang siya sa CR, saka sumuka nang sumuka. Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Umalis lang ang pusa, e, nakipaglaro na agad ang daga!

“Pero nakatagpo rin ng makakasama sa buhay ang girl may pamilya na siya ngayon, banyaga lang ang makakaintindi sa pinagdaanan niya!” pagtatapos ng aming source na nakataas ang kilay.

Ubos!

Kilalang female personality na may kakaibang hugis ng pechay, pinag-iinteresan

Ayaw kaming tantanan ng mga tumututok sa Take It, Per Minute… Me Gano’n. Pakiusap pa ng mga kababayan na­ting nasa iba-ibang bansa na tagasubaybay ng digital show, sana raw naman ay sabihin na namin sa kanila kung sino ang aktres na bumibida sa blind item namin nina Manay Lolit at Mr. Fu nu’ng nakaraang Martes, parang awa na raw namin.

Ang blind item ay tumutukoy sa isang kilalang female personality na ibinuking ng kanyang glam team na kakaiba ang hugis ng pechay. Kakaiba rin daw ang itsura ng kanyang pinakakatagu-tagong kayamanan dahil parang bully ‘yun na palaging nangdidila.

Ikinukumpara pa sa tahong ang pechay ng female personality, hindi na raw kailangan pang buksan, dahil nakasilip na ang laman.

Pasensiya na po, kung si Manay Lolit nga na palaging nangbubuking ng aming mga blind items ay hindi kinayang pangalanan ang female personality, kami pa kaya ang magkakaroon ng lakas ng loob?

Ha! Ha! Ha! Ha!

John Lloyd at Bea wini-wish magkatuluyan

Oo nga naman. Nakapagtataka nga na sa tagal na ng panahong nagtatambal sa pelikula sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ay walang nabuong romansa sa pagitan nila.

Ang ibang artista nga, minsan lang na nagkasama sa proyekto ay nagiging magkarelasyon na, pero bakit sina Bea at JLC ay hanggang pagiging magkaibigan lang ang kayang ibigay sa isa’t isa?

Pero may ganu’n daw talaga. Kahit madalas pa silang nagkakasama, kahit pa maraming pagkakataong nakahain na para sila magmahalan, ay hanggang sa pagkakaibigan lang talaga nagtatapos ang pagiging malapit nila.

Pero kahit wala silang relasyon ay ibang-iba ang chemistry nina JLC at Bea, napapakilig nila ang manonood, palaging matagumpay sa takilya ang kanilang tambalan.

Sana nga ay hindi pa huli ang panahon. Sana nga ay pagtagpuin ng kapalaran ang kanilang mga puso. Bagay na bagay kasi sina JLC at Bea.

KARELASYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with