^
Erich, sabik sa inaanak kay Nathalie
Erich
STAR/ File

Erich, sabik sa inaanak kay Nathalie

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

Ay, very sweet ninang pala si Erich Gonzales. Isa si Erich sa mga ninang ng anak ni Nathalie Hart na si Penelope.

Naging magka-close sina Erich at Nathalie noong magkasama sila sa The Blood Sisters ng ABS-CBN, kaya isa ang una sa mga kinuhang ninang ng huli sa binyag ni Penelope.

Eh, nagpa-group interview si Nathalie noong isang araw para sa new business niya, ang Gayatree Organics, plus ilang ac­ting projects at nang malaman daw ni Erich na pupunta siya sa Quezon City, nag-request na makita ang inaanak. “May taping daw kasi si Erich, kaya sabi niya, dadaan siya para makita ang inaanak niya. Ang sweet nga, may gift daw siya for Penelope,” sey ni Nathalie.

Sabi pa ni Nathalie, sobrang bait daw talaga ni Erich, kaya naging close siya rito nang magkasama sila sa nasabing series ng Kapamilya network.

Marami pang kuwento si Nathalie tungkol sa kanyang kumare na si Erich, kaya nalaman ko, Ateng Salve, na sobrang bait talaga ng Kapamilya actress na bida sa series na La Vida Lena.

Gameboys, libre pa rin

Kahapon ay ka-chat ko sa pamamagitan ng Facebook Messenger si Direk Perci Intalan na isa sa producers ng Gameboys na pinagbibidahan nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.

Kinumusta ko ang Gameboys 2. Tinanong ko kung nagsu-shooting pa ba sila at kung kailan na ipapalabas? “Nagsu-shooting pa kami now. After this, post production naman. Med­yo mahabang proseso, kaya wala pa kaming sine-set na release date para sa season 2,” sabi ni Direk Perci.

Tinanong ko rin kung sa YouTube channel pa rin ba ng The IdeaFirst Company ito ipapalabas at kung free pa rin ‘yon? “May mga inaaral pa kaming options, pero gusto pa rin sana namin as much as possible na available ‘yon sa YouTube,” sabi pa ni Direk Perci.

Sabi ko naman, huwag nilang ila­lagay ‘yon sa streaming apps na may bayad dahil baka hindi masyadong panoorin, kaya natawa siya. “Hahaha. Charity na lang. Hahaha!” natatawang sagot niya.

Actually, ‘yung book two ng Ben X Jim ng Regal Entertainment, Inc. na inilagay sa Upstream.ph ay parang hindi ganoon kalakas dahil may ba­yad na P250 ang eight episodes (na na-stream na ang first two episodes). “Siyempre may bayad po kasi, kaya ‘yung book one po, mas malakas talaga,” sabi ng isang nakausap ko.

Pero kahit mas malakas ang book one ng Ben X Jim, sabi naman ng isang taga-Regal Entertainment, Inc. na nakatsikahan ko, happy naman daw si Roselle Monteverde sa feedback sa series.

Noong Friday raw, mas lumakas na ‘yon. “Nag­labas kasi kami sa YouTube ng free, ‘yung highlights lang ng show, kaya maraming nagbayad at nanood sa Upstream.ph. Maganda naman kasi, kaya worth it naman ‘yung bayad na P250 sa eight episodes,” sey pa ng kausap ko.

Well, sana nga. ‘Yun na!

ERICH GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with