Ruffa may bagong lovelife na!

Ruffa

Happy Valentine’s day!

Sa mga nangungulit sa akin kung may ka-date rin ba si Ruffa Gutierrez nga­yong araw, malay ang sagot ko!

Actually, nakakaloka lang na since inamin ni Ruffa na hiwalay na nga siya kay Jordan Mouyal, ako ang kinukulit ng marami kung may bago na nga bang lovelife ang aktres?

Eh, hindi nga ba nagkaproblema si Ruffa sa kanyang spine at ilang araw na rin na halos hindi makakilos dahil she twisted it nga habang nag-aayos sila ng mga gamit sa bahay dahil nag­lilipat nga siya (na malamang na abutin hanggang bukas dahil ‘yon ang lucky day niya ayon sa kanyang Feng Shui), so I’m not really sure kung makakalabas na nga ba siya ng bahay.

‘Yung family bonding nga nila today sa White Plains house ng parents nilang sina Eddie Gutie­rrez at Annabelle Rama, ay hindi nga sure kung makakapunta ba si Ruffa.

Anyway, Ateng Salve, isa ka rin naman sa na­ngungulit sa akin kung may new love na nga ba si Ruffa since naghiwalay sila ni Jordan last year, better ask her later sa intimate Zoom tsikahan natin.

Makikipagtsikahan sa ilang entertainment press si Ruffa para mai-promote ang last episode on Tuesday (9:30pm) ng weekly TV5 sitcom nila, ang Stay-In Love.

May special announcement din si Ruffa bukas at hindi ko rin alam kung ano ‘yon, kaya abangan na lang natin, huh!

Sexy star nagre-reklamo sa pagdadala ng unan at kumot sa lock-in taping

Naloka ang isang talent manager nang ikuwento sa kanya ng alaga niyang nasa isang lock-in taping na panay ang reklamo ng isang sexy star (na not too young na) dahil pati pala unan at kumot, kailangan nilang magdala.

Kinukuwestiyon nga raw ni sexy star ang ganoong set-up sa lock-in taping nila.

Sinabihan ni talent manager ang kanyang alaga na huwag makikialam sa mga reklamo ng sexy star.

“Naku, baka madamay pa siya at mapag-initan at hindi na siya kunin next time,” sey ni talent manager.

Well…

Ogie at Regine, nagpa-swab na uli

Kahapon ay tinext ko si Ogie Alcasid para kumustahin.

Kumusta na? Naka-quarantine pa rin kayo ni Reg (Regine Velasquez-Alcasid)? tanong ko.

“Yes, but we are ok naman!” sagot ni Ogie.

Na-expose sa isang nag-positive sa COVID-19 ang mag-asawa, kaya ilang araw rin silang kaila­ngang mag-quarantine.

Ang Freedom virtual concert ni Regine para sana mamaya, postponed nga, pero buti na lang at ‘yung KilaboTitos virtual concert ni Ogie with Ian Veneracion ay sa March 26 pa naman (via KTX.ph), kaya hindi affected ‘yon ng pagkwa-quarantine ng singer/songwriter.

Anyway, sabi pa ni Ogie sa tsikahan namin kahapon, “Nag-swab na kami kanina, Jun, pero wala pang result. We should be ok naman!”

Healthy rin naman ang mag-asawa, kaya for sure na ok naman sila. ‘Yun na!

Show comments