Mikee, pinipigilan noon kay Alex

Mikee at Alex
STAR/ File

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang magpakasal sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Ayon kay Mikee ay talagang ine-enjoy lamang nila ngayon ni Alex ang buhay nila bilang bagong mag-asawa. “Best part ‘yung feeling na kapag gumigising ako sa umaga, tinitingan ko siya. Tapos ito na ‘yung kasama mo habambuhay,” nakangi­ting pahayag ni Mikee.

Matatandaang sa bahay nina Alex sa Taytay, Rizal nagpakasal ang mag-asawa. Para sa pulitiko ay maayos naman nilang naidaos ang simpleng kasalan na ang kanilang mga pamilya lamang ang dumalo. “Sa akin ‘yon talaga ang pinaka-ideal na wedding, pero minsan iniisip ko pa rin na pangarap ng bawat babae na maka­suot ng gown nila, makalakad sa aisle. So kung papayagan ng panahon,” paliwanag niya.

Malaki naman ang pasasalamat ni Alex sa mister dahil sa pagda­ting nito sa kanyang buhay. Hanggang ngayon ay halos hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Mikee ang kanyang makakasama habambuhay. “He was the one who’s willing to commit and bring me to the altar. So ‘yon ang pinipili kong samahan. Kasi una sa lahat, siya ‘yung pumili sa akin. Si Mikee, he didn’t see me as a broken piece. May mga time pa na pagpasok sa akin ni Mikee, meron siyang mga narinig na about me na negative. Meron pang nagsabi sa kanya huwag si Alex pero he still continued. No’ng na-meet ako ni Mikee, kahit may narinig siyang negative about me. He didn’t stop, I didn’t stop him,” kuwento ni Alex.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay plano ring magdaos ng isang church wedding ng mag-asawa ngayong taon.

Bianca, ipinagtanggol ang mister sa isyu ng babaero

Pinabulaanan ni Bianca Gonzalez ang sinasabi ng iba na babaero diumano ang mga basketbolista. Sinagot lamang ng TV host ang naging tanong ng netizen na “Babaero daw lahat ng basketball player?” sa kanyang Instagram.  Mahigit anim na taon na ang nakalilipas nang magpakasal sina Bianca at basketbolistang si JC Intal. “To be honest, before I met JC, I had so many wrong preconceived notions about basketball players. To the point that I never thought I’d consider dating him,” kuwento ni Bianca.

Mula nang naging kasintahan noon ng TV host ang PBA player ay maraming mga bagay na ang nadiskubre at natutunan ni Bianca tungkol sa pagiging isang basketbolista. “What I’ve learned is that wala sa klase ng trabaho ang pagiging babaero. Ang babaero, babaero. Just like we can’t generalize that we wanna end up with a businessman or doctor kasi they surely are good husbands,” makahulugang pahayag ni Bianca.

“A career or choice of job doesn’t define what makes a good man. A man decides to be a good man, regardless of career choice,” dagdag pa niya.

Ngayon ay mayroon nang dalawang anak na babae sina JC at Bianca. Reports from JCC

Show comments