^

PSN Showbiz

Claire, handang ipaglaban ang anak na sinasangkot sa Dacera case

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Claire, handang ipaglaban ang anak na sinasangkot sa Dacera case
Gregorio de Guzman at Claire dela Fuente
STAR/ File

Pinalagan ng singer na si Claire dela Fuente ang pagkakasangkot ng kanyang anak na si Gregorio de Guzman sa pagkamatay at pagiging isa pang suspect sa rape ng flight attendant na si Christine Dacera. Inamin ni De Guzman na kasama nga siya sa party sa isang hotel sa Makati kung saan naganap ang insidenteng may kinalaman kay Dacera, pero sinabi niyang hindi niya alam kung ano ang tala-gang nangyari.

Nakatulog daw siya at ginising lang nang sabihing tila may hindi magandang nangyari kay Dacera, nakita niyang humihinga iyon at sa kagustuhang matulungan ay nagsagawa pa siya ng CPR, pero nang walang pagbabago, isinugod na nga nila si Dacera sa Makati Medical Center kung saan naman siya idineklarang “dead on arrival.”

Si De Guzman, kasama ng iba pa ay kasunod na nagtungo sa Makati Police para ipagbigay alam ang nangyari. Kaya sinasabi niya “hindi po namin iniwan at pinabayaan si Tin gaya ng sinasabi sa social media.”

Sinabi rin ni De Guzman na wala siyang kinalaman sa bintang na rape, “bakla po ako. Hindi pa ako nakakaranas ng pakikipag-sex sa isang babae. Lalaki lang po ang nakaka-sex ko. Hindi ako tinatayuan sa isang babae,” dagdag pa niya.

Sinabi naman ni Claire na kung sakaling may dumating na subpoena, nakahanda naman silang humarap sa korte at ilalabas nila ang katibayan na walang kinalaman ang kanyang anak sa mga bintang. Katunayan hindi kasama si De Guzman sa mga iba pang isinailalim sa inquest proceedings.

Bukod kay De Guzman, may isa pang showbiz personality na nasangkot din, si Rommel Galido na sinasabing kaibigang matalik at kasama sa trabaho ni Dacera. Si Rommel ay sumali sa Mr. Pogi ng Eat Bulaga noong 2012, at Gandang Lalaki ng It’s Showtime noong 2014. Nakasama rin siya sa isang pelikula ni Kim Chiu sa Star Cinema. Sinasabing siya ay bakla rin.

Sinasabing ang lahat ng labing isang suspect na inaakusahan din ng rape ay puro bakla lahat, pero sinasabi ng pulisya na “ang bakla lalaki rin, at hindi mo masasabi kung ano ang magagawa nila oras na malasing o nakagamit ng droga.”

Tiyak na mahaba pa ang tatakbuhin ng kasong iyan.

Janella at Markus, naghintay ng tamang panahon

Lumalabas ngayon na walang balak si Janella Salvador o ang boyfriend niyang si Markus Paterson na itago ang kanyang pagbubuntis at panga-nganak. Hindi lamang nila inamin agad. Naglabas pa si Markus ng halos kalahating oras na video documentary na nagsimula sa kanilang paghahan­da sa kanilang magiging anak, sa actual na panga­nganak ni Janella at sa lahat ng kanilang naging activity pati noong nakaraang Pasko na kasama ang kanilang anak na lalaking si Jude.

Hindi rin lihim iyon sa kanilang mga malalapit na kaibigan, na may mga video pa ng pagbati kay Jude. Maliwanag na nanganak si Janella base sa time and date stamp sa video noong October 20, 2020.

Mga nahuling namimirata ng OMB hindi pa alam ang magiging kapalaran

Pitumpu’t limang tao ang ipinagharap na raw ng demanda ng Optical Media Board sa Department of Justice dahil sa pamimirata ng mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival. Nahuli raw ang mga iyon dahil sa pamamahagi nila ng kopya ng mga pelikula sa pamamagitan ng social media.

Kung ganoon, sila lamang ang mga tagabenta, at hindi pa masasabing kabilang sa kanila ang “big fish” na siyang nanguna sa pamimirata ng mga pelikula. Hindi rin naman natin alam kung ano ang mangyayari sa kasong iyan. May makukulong ba kagaya ng sinasabi nila o magmumulta lamang sila? Hindi pa maliwanag kung ano talaga ang demandang naisampa laban sa kanila.

vuukle comment

CLAIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with