Angel payat na uli
Isa sa grabeng nabiktima ng body shamers si Angel Locsin last 2020.
As in matindi ang body shaming sa actress na hindi natuloy ang kasal sa producer na si Neil Arce at naisyuhan ng red tagging sa nagtapos na taon.
Pero na-handle ni Angel ang lahat at ‘pag nakita mo ang mga IG story niya ngayong holiday, ang payat na niya.
Nagkaroon ng Holiday shoot si Angel para sa isang endorsement at grabe hindi na siya puwedeng laitin unless throwback ‘yun.
Nag-circulate ang photos ni Angel na ang laki ng katawan na pinagpiyestahan nga sa social media.
Isa rin si Angel sa maraming artista ng ABS-CBN na talagang naging vocal ang galit sa hindi pagbibigay ng franchise noon ng Kongreso sa Kapamilya network.
- Latest