Mga namimirata sa Fan Girl, MMFF movies, binantaang ipakukulong

Charlie at Paulo

Kumakalat na ang pirated version ng ibang pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival digital edition.

At ang unang nag-react, ang director ng Fan Girl na si Direk Antoinette Jadaone.

Kahapon ay nakikiusap siya na ‘wag naman ire-produce illegally ang kanilang pelikula.

“We’re asking as nicely as possible: please don’t reproduce and distribute the film illegally.

“MMFF and UPSTREAM are tripling their efforts to catch acts of piracy and the consequences are very, very real. You wouldn’t want to start the new year in jail.”

From the start ay ito na talaga ang kinatatakutan ng karamihan dahil paano mo nga naman mapipigilan na kopyahin kung habang nanono­od ka sa bahay or sa abroad. Libreng-libre silang i-record ‘yun.

Parang kasama na kasi sa tradition ng MMFF na may mga namimirata though nawala nang mauso ang mga streaming site.

Teka ano na kayang trabaho ngayon ng Optical Media Board (OMB) na in charge noon sa panghuhuli ng mga pirata?

Eh parang wala silang authority or power sa digital edition ng MMFF.

Anyway, pinaka-maingay sa 10 official entries ng new normal edition ng MMFF ang Fan Girl starring Paulo Avelino and Charlie Dizon kaya given na ito ang pag-iinteresan ng mga namimirata.

Show comments