^

PSN Showbiz

Mindanao naghakot ng award sa luna

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mindanao naghakot ng award sa luna
Mindanao

Sumilip-silip lang ako sa Facebook account ng Film Academy of the Philippines para sa 38th FAP Luna Awards nung nakaraang Biyernes ng gabi na ginanap sa UNTV.

Medyo magulo kasi, kaya tili ng tili ang ka-Troika kong si Jerry Olea na pagkapangit-pangit daw ng naturang awar­ding kahit online.

Hinakot ng pelikulang Min­danao ang mga major awards, na hindi na kami nagtaka dahil ito ang pinili nilang ilaban sa Best Foreign Language Film sa 93rd Oscar Awards.

Best Picture ang Mindanao, pati ang Best Director na si Brillante Mendoza, Best Actress na si Judy Ann Santos, Best Screenplay, Best Musical Score at Best Cinematography.

Ang nagwagi namang Best Actor ay ang batang si Jansen Magpusao ng John Denver Trending, na kung saan sa pelikula ring iyun nanalo si Meryll Soriano bilang Best Supporting Actress. Si Soliman Cruz ng pelikulang Iska ang nanalong Best Supporting Actor.

Okay naman ang choices ng academy, na hindi naman puwedeng kuwestiyunin. Pero ang kinukuwestiyon lang ng karamihan ay kung paano napasok sa mga nominadong Best Picture ang pelikulang Kontradiksyon ni Njel de Mesa. Dahil ba siya ang direktor nitong awarding ceremony ng Luna awards?

Talagang one of the best films itong pelikula niya na kung ibabase sa dinirek niyang FAP Luna awards, talagang magtataka ka nga kung bakit napasama ito sa mga nominado.

Pero masaya na kami para kay Judy Ann at sa pelikulang Min­danao na sana nga mapansin sa Oscars next year.

Julian, nanginginig sa eksena nila ng kanyang tatay

Halos lahat ng nakapanood sa press preview ng pelikulang Coming Home ay naiyak.

Mas nakakaiyak na nga ito lalo nang ginamit ang theme song na ginawa at kinanta ni Lito Camo.

Kuwentong pamilya kaya malapit sa puso ng mga manonood. Maga­ling pa ang mga artista rito lalo na si Sylvia Sanchez na kontrolado ang pag-arte niya.

Surprisingly, nagagalingan kami dito kay Julian Estrada dahil natural na natural ang atake niya sa role bilang bunsong anak nina Sylvia at dating Sen. Jinggoy Estrada. Sabi nga raw ni direk Adolf Alix sa kanya, dapat na gumawa pa siya ng mga pelikula dahil marami pang puwedeng gawin sa kanya.

Pero nang nakatsikahan namin si Julian, inamin niyang nahihiya pa siyang umarte lalo na’t matagal-tagal na ring hindi siya nasabak sa pelikula. Kaya hindi raw talaga niya naiwasang kabahan nung isinalang na siya sa shooting lalo na’t ang Daddy niyang si Sen. Jinggoy ang ka-eksena niya. “Nung first day shoot ko sa movie, siya (Jinggoy) ang kaeksena ko. Sabi niya nanginginig daw ako,” pakli ni Julian.

Pero gusto naman daw niyang bumalik sa pag-arte kaya nung sinabi raw sa kanya ng Daddy niya, umokay naman daw siya agad

Nagbukas na rin pala sa ibang bansa ang pagbenta ng tickets sa Upstream.ph. Kaya inaasahang susuportahan ng mga OFW ang Coming Home dahil tiyak na marami sa kanila ang makaka-relate dito.

Sen. Bong feeling bumata kay sanya

Natapos na ni Sen. Bong Revilla ang taping ng Agimat ng Agila, at natutuwa siya dahil ang saya raw nila sa set at walang nag-iinarte. Lahat ay cooperative at walang nega sa set.

Natuwa si Sen. Bong na kinuwento sa amin na iba raw pala ang chemistry nila ni Sanya Lopez.

Napansin na nga namin ‘yan doon pa lang sa story conference na noong nagkatabi sila ni Sanya, parang bumagets tuloy si Sen. Bong. Halos iisa nga ang komento doon sa set, bagay daw pala silang dalawa.

Kaya, mabuti na lang at si Sanya nga raw ang napiling ka-partner niya.

Pagkatapos ng taping ni Sen. Bong ay kaagad na inayos na niya ang pamasko niya sa lahat na mga supporters at fans niya. Ito yung Amazing ang Pasko Christmas Giveaway na nagsimula na kahapon sa Facebook account at You Tube channel ni Sen. Bong.

Umabot ng 4M ang mga papremyong ipama­mahagi niya na kung saan talagang limpak limpak na salapi ang ipinamigay niya.

Ang dami ngang tumutok at sumali, lalo na sa kanilang pa-Budots dance contest na kung saan kinarir talaga nila ang production number, dahil tumataginting na 100 thousand pesos ang magwawagi.

vuukle comment

MINDANAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with